Show ni Willie sa TV 5 di na matutuloy

 

WILLIE REVILLAME

 

Kumpirmado nang hindi matutuloy ang pagbabalik-telebisyon ni Willie Revillame.

Napakalungkot ngayon ng staff ng aktor-TV host na nagsimula nang magmiting para sa mas ikagaganda pa ng kanyang show, nagbalikan na sa Manila mula sa probinsiya ang mga tauhan niyang pansamantalang nag-uwian dahil wala pa naman siyang show, pero hindi na pala matutuloy ang pagbabalik niya sa TV5.

Sa kanilang unang pag-uusap, ayon sa aming impormanteng malapit kay Willie, ay tuloy na tuloy na ang kanyang noontime show sa TV5. Nagsimula nang magpa-audition ng mga bagong dancers ang kanyang staff, nagmiting na rin sila sa bahay ni Willie sa Tagaytay, pero sa pinakahuling pag-uusap ng magkabilang kampo ay hindi na tuloy ang noontime show at ang pagho-host na ng Talentadong Pinoy ang iniaalok kay Willie.

Nagdesisyon si Willie na kundi naman pala itutuloy ang kanyang sariling programa ay hindi na rin niya tatanggapin ang hosting ng Talentadong Pinoy.

Hindi lang ang kanyang staff ang nalulungkot ngayon, pati ang mga kababayan nating umaasa sa kanyang muling pagsalang satelebisyon ay malulungkot din, kailan daw kaya nila makakasama uli ang kanilang Kuya Wil?

Read more...