Pagpapakita ng boobs, singit ni Marian sa FHM sexy fashion show kacheapan | Bandera

Pagpapakita ng boobs, singit ni Marian sa FHM sexy fashion show kacheapan

Jobert Sucaldito - July 13, 2014 - 03:00 AM


MARAMI ang nagtatanong sa akin kung bakit halos magpatayan sa social media ang fans ng big stars nating sina Marian Rivera and Angel Locsin para lamang sa titulo ng pagiging number one sa FMH. Di na dapat, di ba?

Kasi nga, sa status ng dalawa sa ating industriya ay hindi na dapat sila nakikisali sa ganyang paligsahan ng paseksihan ng isang men’s magazine – okay na yung ma-feature siguro sila o pero dapat daw ay leveled up ang trato nila.

Hindi yung nakikipagbuyangyangan din sila like other sexy celebrities. “Nakakaloka itong sina Marian and Angel. Nakita mo ba yung suot ni Marian, maganda nga pero sa status niya as Primetime Queen ng GMA, hindi na dapat siya sumasali sa mga ganyan, she looked like she’s selling her body to the public.

Ano pa ba ang kailangan niyang patunayan?  “She’s very beautiful and popular, in fairness, she’s really sexy pero hindi na niya kailangang ipakita ang mga singit-singit niya sa audience.

Sa pelikula na lang niya gawin para mapagkakitaan niya, not on centerstage. Hindi naman siya starlet para maghubad sa harap ng sangkaterbang lalaki, ‘no!” someone noticed.

I also agree. Hindi na dapat sumasali si Marian sa mga kaechosang iyan. Ginagamit lang sila – gamit na gamit. Mabuti pa nga raw sina Jennylyn Mercado at Angel Locsin hindi  sumipot sa FHM party na iyon, kasi nga, what for at makipagsabayan sila sa pakitaan ng cleavage at singit sa entablado?

Para pagnasaan at pagpistahan ang mga hiwa nila? Di ba, when you wear bikinis, chances are na humuhulma ang hiwa mo? Ganoon ang inaabangan ng mga naglalaway na mga lalaking audience na siyang market ng said magazine, ‘no!

Aminin man ninyo at hindi – ganoon iyon. Buti at pinapayagan siya ng boyfriend niyang si Dingdong Dantes na balita pa namang super-seloso rin? Dapat niyan ay exclusive lang sa kaniya ang kaseksihan ng girlfriend – dapat ay hindi ito pinangdi-display sa public.

Parang ka-level na lang niya tuloy si Rufa Mae Quinto na kahit gurang na ay wala pa ring humpay sa paghuhubad. Yung ginawa naman ni Alice  ay isang magandang reinvention sa kaniyang career if you may ask me.

At her age, she looked stunning and truly sexy – she had nothing to lose anyway. In fact, doon daw sa party na iyon, si Alice ang talagang nag-shine, not Marian nor Rufa Mae.

Mas bongga pa nga raw ang dating ni Rochelle Pangilinan dahil napaka-exotic ng kulay niya. Hindi bastusin. Iyan lang ang piece of advice ko kay Marian dahil love ko ang batang iyan.

Ibigay mo na sa mga starlet ang mga gan yang exposure. You’re such a big, big star na for you to try it pa. Baka instead na makatulong sa iyo iyan, siya pang maging dahilan ng pagtuligsa sa iyo.

Iwas-iwasan na sana ni Marian ang pakipagpaligsahan kina Angel, Jennylyn and whoever sa paseksihan – she’s made na, ‘no!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to marian rivera official fanpage )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending