Bakit kailangan sumali sa frat? | Bandera

Bakit kailangan sumali sa frat?

Ramon Tulfo - July 12, 2014 - 03:00 AM

ILAN na ring estudyante ang namatay dahil sa fraternity hazing.

Ang kahuli-hulihang estudyante ay si Guillo Servando ng De la Salle University-College of St. Benilde, isang neophyte ng Tau Gamma Phi.

Bakit gustong ma-ging miyembro ng frat ang isang estudyante?

Una, dahil gusto nitong magkaroon ng mga “brod” o “sis” na kapwa estudyante upang matulungan siya sa kanyang mga problema sa unibersidad o kolehiyo kung saan siya nag-
aaral.

Kalokohan! Kung gustong maging miyembro ng frat o sorority bakit kinakailangan pang tanggapin ng neophyte ang mga bugbog na nakamamatay at tiisin ang pagpapahiya?

Ok lang kung ang neophyte ay pinahihiya, pero puwede bang ma-ging miyembro ng isang fraternity na walang sakitan?

Bakit di daanin sa subukan ng talino ang pagiging miyembro ng fraternity o sorority?

Halimbawa ay
bigyan ang isang neophyte ng mahihirap na pagsubok na kinakailangan siyang mag-research o gamitin ang kanyang utak. Dito nakakatulong ang fraternity o sorority sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga miyembro.

Di ba pinag-aaral ang isang estudyante ng kanyang mga magulang upang makakuha ng kaalaman na makakatulong sa kanya pagkatapos ng pag-aaral sa kolehiyo o unibersidad?

Kung gusto naman ng estudyante ng mga kaibigan, marami namang mga ibang estudyante na naghahanap ng kaibigan o katulong niya sa pag-aaral.

Noong ako’y estudyante ay ni-recruit ako ng isang tanyag na frat.

Unang pinagawa sa akin as part of the initiation rites ay dalhin ako sa toilet at doon ay pinakalkal sa akin ang mga gamit na toilet paper sa basurahan.

Tiningnan ko ang “master” at sinabi ko na bakit di niya na lang kalkalin ang basura?

End of the story.

Naging malungkot ba ang buhay ko dahil wala akong fraternity?

Hindi po, bagkus ay nagkaroon ako ng maraming kaibigan dahil marunong akong gumalang sa karapatan ng kapwa ko estudyante.

Marami ring estudyante na kagaya ko na hindi sumali sa fraternity kahit na binansagan sila at ako ng “barbarian” dahil walang frat.

Di baleng tawagin kang barbarian, di ka naman nasaktan at pinahiya.

Sumali din ako ng isang grupo ng mga estudyante na gustong maging cadet officer noong nasa college ako.

Inaamin ko, tiniis ko ang pagpapahiya sa akin sa harap ng mga kapwa estudyante noong ako’y kumuha cadet officer candidate school (COCS) upang maging officer sa ROTC.

Hindi ako sinaktan na physical. Labis akong pinahirapan, sampu ng aking kasamahang aplikante, gaya ng pagpapatakbo sa oval ng ilang oras sa ilalim ng araw, pinag-pushup at sit-up ng maraming beses.

Isa pang pinagawa sa akin ay pagdadala ng sulat sa isang magandang dilag sa campus na nililigawan ng ROTC cadet officer.

Pinasunod-sunod ako sa babae na parang aso at ito’y kinaiinis niya.

“Umalis ka nga diyan, pinahihiya mo ako.
Sabihin mo sa master mo na may boyfriend na ako,” sabi ng supladitang babae sa akin.

(Pssst! Naging girlfriend ko ang babae nang di kalaunan dahil, ehem, di guwapo yung lumiligaw sa kanya)

Pinaluhod sa harap ng mga nakakataas na cadet officers, pero hindi at hindi kami binugbog.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Walang physical contact na dinanas naming mga aplikante para ma-ging officer ng cadet corps.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending