Kim Chiu bagong biktima ng ‘sindikato’ sa social media

 


Si Kim Chiu ang isa sa pinakamaraming nomination sa Yahoo! Celebrity Awards 2014. She is nominated for Celebrity of the Year, Actress of the Year, Fan Club (KimXi), Teleserye of the Year (Ikaw Lamang).

Ang daming bashers ni Kim dahil dito at pinagdududahan ang malaki niyang lamang sa bawat kategorya. Ang hinala ng ilan, minapanipula ang botohan.

Ang isa naman ay nagsabi na maraming fans si Kim na Information Technology ang kinuha kaya alam kung paano mapatataas ang boto niya.

Naku, kayong mga nagwawalang fans, iboto n’yo na lang ang idol n’yo para manalo, ‘no! Bakit pati si Kim ay pinagdidiskitahan n’yo. Malay ba niya sa botohan na ‘yan. Nagkataon lang siguro na mas maramin siyang fans kaysa sa mga manok n’yo!

( Photo credit to kim chiu official fanpage )

Read more...