Kris kailangang umepal pag nasa headline si James


Ipinaglalantaran pa ni Kris Aquino ang pagpapakasal nila ni James Yap nu’ng July 10, 2005, samantalang siya mismo ang nangwasak sa dalawang beses nilang pagpapakasal na ayon sa kanya ay peke lang, null and void.

Siya mismo ang nagbigay ng mga ebidensiya sa korte na walang saysay ang makalawa nilang pagpapakasal dahil walang karapatang magkasal ang tumayo sa kanilang harapan para sila basbasan, hindi siya tumigil hanggang hindi pinawawalang-bisa ng korte ang makalawa nilang pag-iisang-dibdib ng magaling at sikat na basketbolista, pero kung isingit niya ‘yun ngayon sa pang-aagaw niya ng eksena ay parang totoong-totoo naman ang ginawa nilang pagpapakasal!

Makaeksena lang! Maka-tapyas man lang ng atensiyon mula sa pagbubunyi ni James Yap bilang Most Valuable Player sa pagkakampeon ng kanyang koponan! Mapansin lang!

Sabi ng isang kaibigan naming propesor na matagal nang yamot na yamot sa mga kadramahan ni Kris Aquino, “Kakandidato raw siyang senador sa 2016? Naku, tantanan na niya tayo, wala siyang karapatan!

“Hindi na niya kailangan pang tumakbong senador, dahil ngayon pa lang, e, eksenadora na siya! Nakakayamot ang babaeng ‘yun, kapag may nangyayaring maganda sa buhay ni James Yap, nang-aagaw siya ng eksena!

“Maligaya na ngayon si James kay Michaela Cazzola, kaya manahimik na siya, huwag na siyang nakikieksena pa! Maghanap na lang uli siya ng lalaking paglalaruan niya sa social media!” inis na inis na komento ng kaibigan naming propesor.

Ewan. Marami kaming kilalang personalidad na may kakuntentuhan. Kung ano ang meron sila ngayon ay maligaya na sila. Hindi na sila naghahanap pa, hindi na umeeksena, dahil maligaya na sila sa kung anumang posisyon meron sila ngayon.

Pero sadya ngang may mga taong kulang sa pansin, walang kakuntentuhan sa buhay, sa madaling paglalarawan ay mga KSP.

( bandera.ph file photo )

 

Read more...