Para sa may kaarawan ngayon: Huwag manghinayang sa mga bagay na wala sa iyo, ikalulungkot mo lang ‘yan. Palaguin ang hawak na salapi sa pamamagitan ng negosyong may kaugnayan sa tubig at lusaw na mga bagay. Sa pag-ibig, ituloy ang pakikipagrelasyon sa isang Scorpio. Mapalad ang 2, 16, 25, 32, 34, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Blue at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Sa pinansiyal, mas marami kang kikitain kung hindi ka magpapaimpluwensiya sa ibang tao. Sa pag-ibig, hangga’t pinapatulan ang intriga, ang relasyon ay hindi magiging maligaya. Mapalad ang 3, 12, 21, 33, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhanah-Om.” Red at orange ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Panatiliin ang pagpapaganda ng bahay at pagpapa-beauty ng physical na pangangatawan. Sa ganyang paraan, pagpapalain lalo kang susuwertehin sa aspetong pinansyal at pag-ibig. Mapalad ang 4, 13, 21, 30, 39, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Om-Garuda-Aum-Arjuna.” Gray at yellow ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Higit kang uunlad sa kalakal na may kaugnayan sa modernong teknolohiya at kumunikasyon. Sa pag-ibig, huwag pakialaman ang kasuyo upang maiwasan ang hindi pagkakasundo. Mapalad ang 5, 14, 23, 31, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pad-Me-Om.” Blue at white ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Suwerte ang apple green! Gawing apple green ang dingding ng bahay upang mas madaling pumasok ang grasya at mga biyaya. Sa pag-ibig, sa pagamit ng apple green masarap na relasyon ang darating. Mapalad ang 1, 7, 19, 35, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Babanam-Kebalam.” Bukod sa apple green buenas din ang yellow.
Leo – (July 23 – August 22)—Ang inyong relasyon ay dadaan sa isang pagsubok. Laging panghawakan ang isang tapat at dalisay na pag-ibig. Sa pinansyal, kung hindi ka magtitipid madali talagang mauubos ang pera. Mapalad ang 6, 15, 24, 32, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Factum-Om.” Orange at red ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Panatilihin ang pagiging masinop upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, huwag mong ipilit ang iyong gusto na ikagagalit ng iyong kasuyo upang magtagal ang inyong relasyon. Mapalad ang 7, 11, 20, 38, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Padma-Om.” Yellow at green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Sa pag-ibig, ngayon palang paghandaan na ang romansang gagawin sa araw ng bukas. Uwian ang kasuyo ng isang uri ng pagkaing, bilog, nilalagyan ng asin at hinihigop, at pagkatapos sabay kayong kumain. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Raga-Kastha-Om.” Pink at white ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa pag-ibig, patawarin ang kasuyong nagkasala upang kapag ikaw naman ang nagkamali, patatawarin ka rin niya. Sa pinansyal, pautangin ang mga nanghihiram upang kapag ikaw naman ang nagipit mayroon kang malalapitan. Mapalad ang 3, 6, 12, 27, 30, at 34. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om.” Green at blue ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Iwasan ang pagkukuwari upang mas madali makuha ang tiwala ng mga kliyente. Sa pag-ibig, kung ayaw mong dayain ka ng iyong kasuyo ay huwag mo rin siyang lolokohin. Mapalad ang 5, 18, 26, 32, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Om.” Violet at white ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Maglaan ng oras para makapag-unwind. Sa pag-ibig, sa pagpapanibagong simula hatid ng isang Cancer magniningning ang inyong paligid. Sa pinansyal, kapag marunong kang mag-contemplate at manahimik may bagong pagkakakitaang darating. Mapalad ang 9, 18, 27, 36, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Udatta-Om.” Green at beige ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Hindi ito ang tamang panahon upang maglabas ng malaking halaga ng salapi. Sa pag-ibig, ito naman ang tamang panahon upang ituon ang isipan sa pagmumunimuni at pang-ispirituawal na mga bagay. Mapalad ang 3, 18, 21, 32, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mohan-Om-Karan.” Pink at black ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Huwag umasa sa suwerte! Sa pinansyal, sa buwang ito ng Hulyo ay gagabayan ka ng iyong intuition upang magkapera. Sa pag-ibig, sundin ang tibok ng puso upang ganap na lumigaya. Mapalad ang 8, 16, 24, 33, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Raga-Kashta-Om.” Red at orange ang buenas.
HOROSCOPE, JULY 11, 2014
READ NEXT
Saklolo sa inang OFW
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...