Ellen Adarna ilang beses niloko ng lalaki: May pangit at salbahe na…nangutang pa!!!

ELLEN ADARNA AT BF

Tawa kami nang tawa sa mga pasabog ng sexy star na si Ellen Adarna. In fairness, like namin ang pagiging kikay niya, kahit na medyo nakakairita kung minsan ang kaartehan niya habang iniinterbyu.

Inamin na niya na meron na siyang non-showbiz boyfriend, si Raoul Olbes. Sey ni Ellen, mukhang ito na ang ang lalaking matagal na niyang hinahanap.

Chika ni Ellen sa isang interview, marami na rin siyang nakarelasyong lalaki pero lagi na lang sumasablay kapag matagal na silang nagsasama, “Kasi nagka-boyfriend ako dati, ang pa-pangit! Pangit na nga, salbahe pa, wala pang pera! Most of them are like that!”

“‘Yung iba nang-uutang pa! Hay naku, bobits talaga! Nagpapautang! May mga boyfriends na non-showbiz na gano’n din ‘yung ganap – guwapo naman, pero ganito lang. ‘Yung isa, pangit pero ganito,” natatawang kuwento ng bagong pantasya ng bayan.

Ayon pa sa dalaga, lagi naman daw siya ang nang-iiwan sa lalaki, “Never pang ako ang iniwan. Oh, my god! Sana hindi – so parang…but when I leave, it’s done, galit. I’m mad. So I don’t feel anything and I’m numb. Talent ko, I have a switch I can turn off and on. So when I’m mad, I can leave like that! ‘Yun lang nga, I can’t tell them bago kami maghiwalay na, ‘Pay me your utang!’ Ha-hahaha!”

At dito na nga pinangalanan ni Ellen ang kanyang present boyfriend na inilarawan niyang almost perfect, “So now naman, swerte! Gwapo, mabait, mayaman! Chos! Hindi na kami KKB kapag nagde-date! Ha-hahaha!”

“I’ve known him for six years na. We’ve been friends for that long. May something na before, and then hindi lang natuloy. Wala lang, hindi lang natuloy. And then when I broke up with my boyfriend – boom! He just appeared, and ito na!” ani Ellen.

Pero hindi tulad ng ibang babae, mas gusto ni Ellen na magkaanak muna bago ikasal, “I see myself (sa showbiz) maybe for four more years, five more years. I want to have kids when I’m 30, 31. But I only want two, so okay lang.

“But the thing with me, I don’t want to get married. I just want kids. I talked to my dad about it before. Actually, he was the one who told me, ‘Don’t get married, just have kids.'”

Read more...