‘Stressed ako’

ISANG malusog na araw sa inyong lahat, nawa ay laging kapayapaan ang nangingibabaw sa ating pagkatao.

Sinasabi ko ito sa kadahilanang ang mga karamdaman na pisikal ng isang tao ay may kaakibat na impluwensya ng mapaglarong kaisipan, makasariling pananaw, at pag-iipon ng negatibong enerhiya tulad ng galit, inggit, pagtatanim ng sama ng loob, mga bagay na hindi magdudulot ng katahimikan o kapayapaan.

Ano naman ang kinalaman ng kapayapaan sa ating kalusugan? Sanhi o epekto? Anong klase ng kapayapaan ang maaring makaapekto sa kalusugan?

Madalas na sinasabi at napapakinggan natin ang salitang stress. Kapag nailagay tayo sa sitwasyon na hindi natin gusto sasabihin natin na “stressed tayo”.

Kapag hindi tayo nakakatulog, tulala, pagod o kaya’y “lobat” malamang ay hindi natin nadadala ng tama ang ating “stressors”.
Pero ang hindi alam ng karamihan ang katotohanan na ang ang gumagawa ng stress sa buhay ng isang tao ay iyong tao mismo o ang kanyang sarili.

Ang pagnanasa ng isang tao na kontrolin ang lahat ng nakapaligid sa kanya at hindi ang kanyang pagiging makasarili ang syang pangunahing dahilan kung bakit mayroon siyang dinadala na stress.

Tunghayan natin ang napaka-simple na problema ng insomnia. Ito ay isang kundisyon na hindi tayo makatulog. Malamang umiikot pa ang pag-iisip natin kung kaya’t gising na gising pa tayo kahit hatinggabi na at oras na para matulog.

Dahil sa stress, kulang ang tulog natin. Pagkagising sa umaga hindi natin nararamdaman ang pagiging “relaxed” o kapayapaan. Dahil sa kulang ang tulog, nai-stress tayo at patuloy na tumataas ang level ng stress. Ang “vicious cycle” na ito ay nagdudulot ng “discomfort” sa katawan kung kaya naman kinakailangan matugunan ito sa pamamagitan ng pagkain ng sobra, gamot, alak at iba pang bisyo.

Hindi na ito malusog na lifestyle at lalong hindi ito ang tinatawag na magandang kalusugan.

Ang kapayapaan o “peace of mind” ay makukuha sa pamamagitan ng “conversion”, ang pagtanaw ng ating kaisipan sa sentro ng buhay, ang espiritwalidad. Kinakailangan naka-angkla dito ang pamumuhay ng isang tao. Sa ganitong pananaw lamang mapapanatili na disiplinado ang kaisipan, kontrolado ang emosyon, maayos at malusog ang pangangatawan.

At ang ganitong pananaw ay tumutukoy sa posisyon ng tao sa harap ng kanyang Diyos. Sino ba ang may kontrol? Kailangan lang piliin ng kaisipan ng tao ang katotohanan na ito at ang “contentment” ang aabutin nya, at kapayapaan ay makakamit nya.

Kung may kapayapaan sa pag-iisip, madali na maalis ang “stress”, ang pagtulog ay hindi na problema, paggising sa umaga ay nakapagpahinga na ng husto at hindi na nakakaramdam ng “discomfort”, “lobat” at “ lack of energy”

Importante na malaman natin na sa Diyos lamang nanggagaling ang “Positive Healing Energy” at dumadaan ito sa atin kapag mapayapa ang ating kaisipan at ang ating puso. Desisyon lamang ito. Mas pipiliin mo bang maysakit ka o wala?
May nais ka bang ipakonsulta kay Dr. Heal? Sakit sa kasu-kasuan, may problema sa lifestyle, gustong magpapayat, may kanser, i-text ang HEAL, pangalan mo, edad, lugar kung saan ka nakatira at ang iyong tanong sa 09999858606? Sasagutin iyan ni Dr. Heal sa Barangay Kalusugan na araw-araw na mababasa sa Bandera, maliban lang sa araw ng Miyerkules at
Biyernes.

Read more...