Ai Ai mas naging close pa kay James Yap | Bandera

Ai Ai mas naging close pa kay James Yap

Cristy Fermin - July 10, 2014 - 03:00 AM


Ngayon ay malinaw na sa kampo ni Ai Ai delas Alas kung bakit sangkatutak ang bashers na nang-uupak sa kanya. Nakarating na sa Comedy Concert Queen kung bakit at kung ano ang dahilan.

Nagtataka rin ang mga tagasuporta ni Ai Ai kung bakit parang mga palakang naglabasan sa tag-ulan ang kanyang mga bashers, meron pang isang blogger na talagang bumibira sa kanya, anyare?

May lumabas na retrato ng naturang blogger na kasama si Kris Aquino at ang Pambansang Social Climber na si Bernard Cloma. Nag-dinner sila. Mula nu’n ay umani na ng mga bira ang Comedy Concert Queen.

Magaling talaga sa ganu’n si Kris, kayang-kaya nitong kunin ang pagkampi ng kahit sino sa sarili nitong paraan, kung ano ang kanyang ginagawa ay tanging si Kris lang ang nakakaalam.

Masakit man ang mga natitikman niyang bira mula sa mga bashers ay parang hindi na masyadong iniintindi ni Ai Ai ‘yun, mula nang malaman niyang grupo-grupo lang pala ang mga umuupak sa kanya ay okey na lang, tutal naman ay sa isang balwarte lang ‘yun nagmumula at hindi naman sa mga kababayan natin sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Ang pinakahuling pinanggigigilan ng kanyang mga bashers ay ang pagsusuot niya ng t-shirt na may nakalagay na “I love James Yap.” Nang-iinis daw si Ai Ai, meron daw siyang pinatututsadahan, puro bira na naman ang ipinaligo sa kanya ng mga bashers nang dahil du’n.

Magkaibigan na ngayon sina Ai Ai at James Yap, nu’ng minsan nga ay magkatabi pang nanood ng game ng basketbolista sina Ai Ai at Michaela Cazzola, lumalabas na rin sila nang magkakasama.

Nagalit lang naman nu’n si James kay Ai Ai dahil na rin sa kagagawan ni Kris Aquino. Humingi ito ng payo sa kanya isang gabi habang umiiyak, kinakaliwa raw kasi ito ni James, kaya bilang kaibigan ay nagbigay naman ng payo si Ai Ai sa aktres-TV host.

Naloka na lang si Ai Ai nu’ng tawagan siya ni James, galit ang basketbolista, inilaglag pala siya ni Kris sa asawa nito. Matagal bago lumabas ang katotohanan pero nang lumabas naman ay naging magkaibigan sina James at Ai Ai.

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending