Angel mas hinangaan si Ate Vi sa mali-maling English

ANGEL LOCSIN AT VILMA SANTOS

Nagsalita na rin si Angel Locsin tungkol sa inabot na kahihiyan at panlalait ni Gov. Vilma Santos dahil sa makasaysayang ensaymada with matching greeting card na ipinadala niya kay Kris Aquino.

Ayon sa girlfriend ni Luis Manzano, mas lalong tumaas ang respeto at paghanga niya kay Ate Vi dahil sa pag-ako nito agad sa kanyang pagkakamali ng walang halong galit o tono ng paghihiganti.

“Okay lang naman ang magkamali. In fairness to tita Vi, ni-recognize naman niya yung pagkakamali niya, hindi naman siya nag-ano, di ba? Huwag na lang sigurong palakihin yung issue. Tsaka, nakakahanga ang pagpakumbaba ni tita, di ba? Imagine, isang tinitingala mo…tao rin. Kaya mas mamahalin mo pa siya,” ani Angel sa interview ng ABS-CBN.

Para naman sa Star For All Seasons, “One thing I have learned, this issue is awesome! Ha-hahaha. No, I’m not saying I am perfect, because nobody’s perfect. Lahat ng tao nagkakamali, at nagkataong nagkamali ako, du’n sa letter ‘E’ and ‘ED’, kaya ganu’n.”

Samantala, kung wala nang magiging problema, tuloy na tuloy na ang pelikulang pagsasamahan nina Angel at Ate Vi under Star Cinema. Bukod pa nga ito sa “Darna” na pagbibidahan ni Angel na ipalalabas sa pagpasok ng 2015.

Read more...