Katutubong ganda

Sulat mula kay Apple, ng Barangay Carmen Annex, Ozamiz City
Dear Sir Greenfield,
Kahit na pasok na ang edad ko sa 30 ay may lumilingon pa rin namang lalaki, o mga lalaki, sa akin.  Ayaw kong maniwala sa aking kaibigan na nagsabing troso raw ang dating ko sa lalaki.  Isa lang naman siya sa nagsabi noon.  Naniniwala ako na maganda rin naman ako.  Dito sa probinsiya ay naniniwala ako na may beauty ako dahil ang tawag nila sa akin ay katutubong ganda.  Ayokong tumandang dalaga at hindi nakatitikim ng lalaki.  Magkaka-boyfriend ba ako?  Sino siya?  Kailan?  Yan na lang kasi ang kulang sa buhay ko: ang makalasap ng tunay na pag-ibig.
Umaasa,
Apple, ng Barangay Carmen Annex, Ozamiz City
Solusyon/Analysis:
 Palmistry:
Pawiin ang lungkot.  Magkaka-boyfriend ka.  Hindi ka tatandang dalaga o birhen.  Malinaw at makapal ang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, sa edad mo ngayon ay maaaring hindi pa panahon upang ikaw ay magka-boyfriend subalit sa takdang panahon, ang kapalaran din ang naglaaan—tiyak ang magaganap magkaka-boyfriend ko at makapag-aasawa.
Cartomancy:
Jack of Clubs, Three of Hearts at Ace of Diamonds ang  lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa  susunod na taon 2015, sa buwan ng Enero hanggang Marso tiyak ang magaganap, isang kayumanggi at guwapong lalaki ng magiging boyfriend mo.
Itutuloy

Read more...