Kris, Richard pinalakpakan nang bonggang-bongga

Nangangamoy Richard Gutierrez and Kris Aquino na ang next movie projects ng dalawa.

Nang pumirma ng co-management contract ang magkakapatid na sina Ruffa, Richard and Raymond Gutierrez sa Viva Artist Agency, we asked their mother, Ms. Annabelle Rama, kung may plano ngang gumawa ng movie sina Richard and Kris.

Sa Twitter niya mismo ito sinagot noon na may balak ngang pagsamahin ang dalawa after maging okay sila ni Kris at tumulong pa itong mamili ng regalo ni Richard for her.

Plano lang daw ito sagot ni Ms. Annabelle so we let go at that. Then, last Saturday, sa “AnneBisyosa No Other Concert World Tour”, magkakasabay na pumasok sina Richard, Kris and Raymond sa concert which triggered a tremendous applause daw sa audience.

Then comes Sunday, sa Showbiz Central sa birthday celebration ni Richard as last week pa nag celebrate si Raymond doon.

Bukod sa big wigs ng GMA including Atty. Felipe Gozon and daughter Annette Gozon-Abrogar, may special interview rin si Kris for GMA’s primetime king.

It seems wala na ngang makakapagil sa pagsasama ng dalawa just in case.

This could be interesting lalo na kapag pinagsama ang forte ng dalawa. Richard is also the Valentine king samantalang si Kris naman ang horror queen.

Puwede kayang horror Valentine movie ito? Ha-hahaha! Joke!

Read more...