Indonesian singers galit daw kay Christian Bautista

Kailangang doblehin ang gawing pag-iingat  

NAGING malaking isyu ang balitang na-deport si Christian Bautista sa Indonesia last weekend.

Pero maagap ang ginawang paglilinaw ng Stages (ang management outfit ng singer-actor) na agad pinabulaanan ang balita at sinabing nagkaroon lang ng konting miscommunication sa immigration na agad ding naayos.

The fact is, nakatakda ngang bumalik si Christian sa naturang bansa para ituloy ang show dahil klik na klik doon ang kanyang international album.

Last Sunday sa ASAP ay napanood na si Christian at muli nga niyang nilinaw na wala siyang naging kaso sa Indonesia.

Pero nakarating na rin kaya sa singer-actor ang tsismis na diumano’y may mga local artists sa Indonesia na gumagawa na raw ng hakbang para malimitahan ang kanyang exposure du’n?

Na kesyo nawawalan na raw kasi ng trabaho ang ilang singer-performers doon dahil sa kanya?

Hindi naman bago ang ganitong isyu dahil kahit dito sa atin, kapag may mas tinatangkilik na foreign artists ay mabilis ding nagre-react ang ating mga performers.

E, anong magagawa natin kung ang mismong mga locals du’n ang tumatangkilik kay Christian?

Siguro nga kailangan lang ng aktor-singer na mas maging maingat sa kanyang mga ginagawa dahil baka hindi lang sa mga ganu’ng kanegahan siya isangkot.

Sa tindi ng mga bonggang social media, napakadali niyang sirain, di ba kapatid na Ervin? (Korakak ka diyan, mare! – Ed)

Read more...