Sigaw ng netizens: Ai Ai bumibili ng lalaki! | Bandera

Sigaw ng netizens: Ai Ai bumibili ng lalaki!

Cristy Fermin - July 09, 2014 - 03:00 AM

AI AI DE LAS ALAS

Nakalulungkot ang mga nangyayari ngayon sa mga anak ng mga popular na personalidad na nasasangkot sa kontrobersiya.

Dahil sa inaabot nilang pamba-bash sa social media ay naaapektuhan din ang kanilang mga anak.

Tulad na lang ng magkakapatid na Estrada, sukat ba namang pati sila ay isangkot sa usapin ng bastos na si DJ Mo Twister, nakakaawa ang mga walang kamuwangang bata sa mga atake ng bansuting deejay.

Ang anak ni Ai Ai delas Alas na si Sofia, hindi na rin nakapagtimpi ang bata, kasi nga ay sobrang sinasaktan ang kanyang ina ng isang grupong alam naman nila kung sino ang nagmamaniobra.

Nakipagsagutan na rin sa Twitter ang anak ng Comedy Concert Queen, ipinagtanggol nito ang kanyang ina sa pambabalahura ng tropang ayon sa marami ay puro bayaran, may itinuturong pinakautak sa mga ginagawa ng grupo ngayon na kapag nalaman ng publiko ay nakawiwindang kung sino.

Bumibili raw kasi ng makakarelasyon ang komedyana, pera raw ang kanyang pinaiiral sa pagkakaroon ng boyfriend, ang balik naman ng Comedy Concert Queen ay marunong lang siyang magmahal at minamahal din naman pabalik ng lalaki.

Nag-ugat ang sigalutan sa lumutang na tweet na bumibili ng kaibigan si Kris Aquino. Dagdag na kuwento pa ay puro mga sikat lang ang kinakaibigan ng aktres-TV host.

Sino ba kasi ang nagpapaikot ng kuwento na sa paggising pa lang ni Kris Aquino ay magtatanong na agad ito, “Who’s sikat today?”

Kapag may binanggit na pangalan ang kanyang tinanong ay agad na raw magpapabili ng “samting” si Kris para iregalo sa personalidad na sikat sa panahong ‘yun.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending