‘Mababalahura ang Senado pag nanalo si Kris sa 2016 election!’

KRIS AQUINO

May nagsabi sa aming pag natuloy ang pagtakbo nina Kuya Boy Abunda at Kris Aquino sa pagka-senador sa 2016, baka magkaroon ng The Buzz sa Senate. Ha-hahaha! Baka gawin daw kasing talkshow venue ni Kris ang Senado kaya marami ang nakikiusap na huwag na raw sana itong tumakbo as Senator – baka puwedeng sa pagka-VP, mayor, congresswoman or governor na lang ang puntiryahin niya.

For sure ay mababalahura ang Senado pag nanalo si Kris dahil ang laman pa rin ng publicity niya ay ang kataklesahan niya at paghahanap ng bagong boyfriend. Nakakaloka naman ang mga sapantaha ninyo. Parang wala naman kayong tiwala kay Kris Aquino. Matalino namang babae iyan, di ba?

“Hindi naman kailangan ng ganiyang klase ng katalinuhan sa Senado, ‘no! Ang kailangan ay katalinuhang makakatulong sa bansa, hindi yung pansarili lang. Kung kaya niyang magpayaman nang husto sa pag-aartista, we are very definite na lalong yayaman si Kris pag naging Senadora siya. Magaling manggamit ng opportunity ang babaeng iyan, ‘no! Di niyo ba napansin?” ang parunggit ng isang ayaw kay Tetay.

Basta ako, halimbawa ma’y tumakbo si Kris sa isang national position, sure akong hindi ko siya iboboto. Kasi nga, ayoko sa kaniya. Period.

Read more...