Mga Laro Bukas
(The Arena)
2 p.m. Lyceum vs
San Beda
4 p.m. Mapua vs Letran
Team Standings: San Beda (2-0); Perpetual Help (2-0); Arellano
(2-0); San Sebastian
(2-1); Lyceum (1-1); Emilio Aguinaldo (1-1); Jose Rizal (1-2); St.
Benilde (0-2); Letran
(0-2); Mapua (0-2)
NAKITA ng Arellano University Chiefs ang sarili sa hindi normal na puwesto nang saluhan ang mga bigating San Beda College Red Lions at University of Perpetual Help Altas sa unang puwesto bunga ng 80-73 panalo sa Emilio Aguinaldo College Generals sa 90th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Tinapos naman ng Jose Rizal University Heavy Bombers ang dalawang sunod na kabiguan sa 69-61 panalo sa College of St. Benilde Blazers sa ikalawang laro.
May 11 puntos si Bernabe Teodoro para sa host JRU at ang kanyang 3-pointer sa huling dalawang minuto ng labanan ang tumapos sa rally na isinagawa ng Blazers.
Naiwanan ng hanggang 21 puntos ang St. Benilde, 53-32, ngunit nagawang dumikit ang koponan sa 61-63 sa 16-3 panimula sa huling yugto.
May 1-2 baraha ang Heavy Bombers habang bumaba sa 0-2 kartada ang Blazers at kasalo sa huling puwesto ang Letran Knights at Mapua Cardinals.
May 2-0 baraha ngayon ang koponan ni Arellano rookie coach Jerry Codiñera at nangyari ito nang naposasan ng depensa si Noube Happi sa huling yugto.
Kontrolado rin ng Chiefs ang laro at sa pagbubukas ng huling yugto ay lamang pa sila ng 14 puntos, 69-55. Pero hindi basta tumiklop ang EAC at ang ikalimang tres sa laro ni Jamon ang naglapit sa Generals sa apat na puntos, 77-73.
Pinaigting ng Arellano ang kanilang depensa at hindi na pinaiskor ang EAC para malaglag sa 1-1 karta. May 20 puntos si Levi Hernandez habang si John Pinto ay nagdagdag ng 11 puntos.
Ang baguhang 6-foot-7 American player Dioncee Holts ay may solidong 15 puntos at 10 rebounds at siya ang dumepensa kay Happi na may 17 puntos pa sa labanan. Si Jamon ang nanguna sa EAC sa kanyang 20 puntos.
( Photo credit to inquirer news service )