Sulat mula kay Delfin, ng San Remigio, Antique
Problema:
1. Bagaman hindi pinadapa ang kabuhayan ko ng bagyong Yolanda, biktima rin ako. Sa kapirasong lupa na sarili ko na ay nagtatanim ako ng sari-sari cash crops, lalo na ang walang kamatayang kamote. Anim na taon na akong hindi nadadagdagan ang suweldo sa gobyerno at naiiwan sa “abot” ng politiko dahil hindi ako kaalyado. Ganyan ang kalakaran dito.
2. Sa tuwing suweldo, na madalas mabalam, ay naaawa na ako sa sarili ko. Minsan dumarating ang mahigpit na pangangailangan o emergency. Nakakaisip na ako ng masama pero napiligilan ng pagiging Katoliko ko. Bubuhayin ni misis ang kanyang babuyan sa lote ng nanay niya, pero wala kaming puhunan. Yayaman ba kami sa negosyo at sariling sikap? January 15, 1964 ang birthday ko.
Umaasa,
Delfin, ng San Remigio, Antique
Solusyon/Analysis:
Astrology:
A
Numerology:
Ayon sa birth date mo, kumuha ka ng tauhan o kasama na may birth date na 5, 14, at 23, sapagkat ang mga tauhan o kasamang nabanggit ang lalong magpapayaman sayo.
Luscher Color Test:
Gumamit ka ng kulay na pula at berde bilang opisyal na kulay ng iyonbg negosyo at makikita mo, mas mabilis na lalago ang inyong kabuhayan.
Huling Payo at Paalala:
Delfin, ayon sa iyong kapalaran nasa tamang daan ka. Tama lang na mag-resign ka sa pagsusundalo, dahil baka yan pa ang ikamatay mo, at pagkatapos paunlarin mo na lang ang kasalukuyan nyong negosyong babuyan, at dagdagan mo pa ng bakahan, at mga paghahalaman. Sa ganyang paraan, mga five years from now, kung sa taon ding ito ay sisimulan mo na ang iyong balak, tulad ng nasabi na, lilipas ang limang taon, mayamang-mayaman ka na.
Di yayaman sa gov’t (2)
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...