Magbibitiw na ba si P-Noynoy?

INIISIP ni Pangulong Noynoy na magbitiw na sa tungkulin dahil sa mga kontrobersiya sa kanyang pamamahalan, sabi ng aking espiya sa Palasyo.

Ang pinakahuling gusot ay ang ruling ng Supreme Court na ang Disbursement Acceleration Program (DAP) ng Pangulo ay labag sa Saligang Batas. Ibig sabihin ito ay unconstitutional.

Sabi ng aking espiya na narinig si Presidente Noynoy na nagsabi na sawang-sawa na siya sa mga batikos sa kanya.

Di naman daw niya hinangad ang kanyang puwesto at ang taumbayan daw ang nag-insist na siya’y iluklok.

Tingnan mo ang asal nitong si Noynoy: Dahil di na niya kaya ang bigat ng dalahin ng pagiging Pangulo ng bansa ay gusto na niyang magbitiw.

Dapat alam niya na ang hirap na dadanasin niya bilang presidente noong siya’y tumakbo.

Ano ba ang tingin niya sa pagpapatakbo ng bansa, parang pagkain na iluluwa na lang kapag di masarap?

Aba, Mr. President, tapusin mo ang iyong termino hanggang sa 2016.

Huwag kang irresposable!

Pero sinabi sa text ni Secretary Rene Almendras, chief of staff ng Malakanyang, nang tinanong ng inyong lingkod, “No, he (President) is definitely not considering resignation.”

Very reassuring ang text message ni Almendras dahil walang magaling na papalit sa Pangulo.

Ang tanong: Eh, si Vice President Jojo Binay?

Next question, please.

Sinabi ng Social Weather Stations (SWS) sa isang survey para sa first quarter ng taong ito (January to March) na tumaas ang umabot sa +73 percent ang approval rating ni Vice President Binay.

Ayon sa survey na pinagawa ng Businessworld, 82% ng mga respondents ang nagsabi na sila’y kontento sa ginagawa ng Pangalawang Pangulo at 9% lang ang di kontento.

Ang ratings ng ibang national officials ay bumaba, ayon pa rin sa nasabing survey.

Ang isang pampalit na goma sa flat tire, ang puwesto ng Vice President, ay palaging tumataas sa ratings.

Ito’y dahil ang Pangalawang Pangulo ay wala namang mga mabibigat na responsibilidad.

Kung meron man— gaya ng pagtitingin sa kapakanan ng mga overseas Filipino workers or OFW—ang mga ito ay menor at bihira siyang magkamali.

Kahit anong sabihin o gawin niya sa pagpapatupad sa kanyang tungkulin ay hindi kontrobersiyal.

Yun namang mga survey respondents, gaya ng karamihan ng mga Pinoy, ay tinitingnan lang ang “face value” o ibabaw na pagkatao ng opisyal na sinusurvey at di nila tinitingnan ang pang-ilalim na katangian.

Yung magandang ratings ay magiging boto para sa opisyal sa darating na eleksiyon.

Kaya nga di tayo umuunlad dahil ang pagpili ng kandidato ay dinadaan ng mga tangang botante sa popularidad at pera, hindi sa kakayahan ng kandidato.

Kaya’t karamihan ng ibinoboto natin ay mga magnanakaw o bobo.

Sa kaso ng mga Binay, bakit di tingnan ng mga respondents sa susunod na survey ang ginagawa ng mga Binay sa Makati?

Halimbawa, magtanong-tanong sila sa mga malalaking real estate developers o condominium builders sa Makati.

Ang mga may-ari ng isang national TV network na may condominium complex sa Makati ay di sinusuportahan ang mga Binay dahil pati sila ay tinalo daw ng mga Binay.

Isang kaibigan ng isang local official sa Metro Manila ang nanghihiram sa isang malaking bangko, pero ayaw pahiram ito.

Nakiusap ang opisyal sa bangko, nguni’t ayaw pa rin.

Inutusan ng opisyal ang city engineer’s office at tingnan ang lupa kung saan nakatukod ang mataas na gusali ng bangko.

Nakita ng mga kawani ng city engineer’s office na sumobra ng ilang metro ang kinatatayuan ng gusali at pinatatapyas ang ilang palapag na nakausli sa lupa.
Nakuha ng kaibigan ng opisyal ang kanyang loan.

Read more...