Vice kay Vic: Hiyang hiya ako sa kanya, nanliit at nanginig ako!

KNOWS pala ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang tungkol sa kumakalat na link kung saan binastos daw niya si Vic Sotto. Nakita rin daw ‘yun ni Vice sa kanyang Facebook account pero hindi naman nago-open.

Maliwanag na isang hoax lang daw ang naturang link. “Meron pa nga akong nakita dati finorward sa akin parang ‘Vice Ganda, sinabihan si Bossing Vic Sotto na laos na tsutsu-tsutsu,’ something like that.

E, uso sa Facebook ‘yung mga ganoon. ‘Di ba dati nga parang may nagkalat sa text na io-open mo ‘yung link na sex video ni Rayver (Cruz) at saka ni Cristine Reyes tapos wala naman.

Ngayon naman ‘yung Vic Sotto daw pinagmumura ako. Hindi totoo ‘yun,” pahayag ni Vice. Wala raw ganoong pangyayari ayon kay Vice dahil unang-una hindi niya kakayanin na tawaging laos si Vic,  “My God! Vic Sotto is like comedy icon.

Parang sa isang komedyante at sinabihan mo ang icon mo ng ganoon, it’s something like sacrilegious, ‘no. I will never do that,” diin ni Vice.

Agree naman si Vice na may mga taong gumagawa nito para siraan siya, “Marami namang ganyan, e. ‘Yung iba naman nagti-trip lang. ‘Yung iba bored sa life.

For sure they have their reasons, pero kung anuman ‘yun, wala akong pakialam. They don’t really matter.” Hindi naman daw sa hindi niya ikasisira ang mga ginagawang paninira sa kanya.

Kaya lang  hindi naman daw siya ganoong klase ng tao. Kay Vic pa nga naman na napakataas ng respeto niya.“Nu’ng nagkita nga kami (with Vic) dati sa Christmas special ng ABS-CBN.

He was there kasi he had a movie with Bea (Alonzo). Nagpa-piktyur ako sa kanya. Syempre hiyang-hiya ako, nanliliit ako talaga, ‘yung nanginginig pa ako.

Sabi ko sa kanya, ‘Bossing, pwede bang makaistorbo? Pwede bang magpapiktyur.’ Tapos sabi niya, ‘Ay, ikaw pala ‘yan. Halika, Baklang ‘to,’ sabi niyang ganoon,” kwento ni Vice.

Kahit daw kay Joey de Leon nu’ng nakita niya sa parking area ng Resort’s World, kahit daw kumakain siya at may laman ang bibig niya ay hinabol  pa rin niya ang TV host para magpa-picture.

“Sabi ko, ‘Sir, pwede bang magpapiktyur?’ ‘Halika, Bakla!’ Ganoon naman talaga siya, matuwain sa bakla ‘yun, e. Nagpapiktyur kami, pinasok pa niya ang kamay niya sa loob ng shorts ko. Hinawakan niya ang dede ko, nakakatawa.”

Definitely, hindi papatulan ni Vice ang anumang pang-ookray sa kanya ng iba para ‘isabong’ lang kina Vic at Joey, “Hindi at saka hindi naman  din sila ganoon.

Siguro ‘yung mga ‘yun nagsasalita lang din kapag sobrang na-provoke na or na-touch mo ‘yung family nila na sobrang below the belt na. “‘Tsaka matatalino naman ‘yun.

Alam nilang  hindi naman papatol kung saan-saan.  Kahit kami rin, kami rin sa Showtime, e have the  highest respect sa Eat Bulaga, D Dabarkads, icon ‘yan, e, ‘di ba? Ang Eat Bulaga ay bahagi ng buhay nating lahat kaya hindi natin pwedeng i-menos ‘yan,” paliwanag pa niya.

( bandera.ph file photo )

Read more...