Toni: Oo, mas magaling sa akin si Alex, mas marami siyang kayang gawin!


Nakasalubong naman namin si Toni Gonzaga sa Grub Restaurant sa ELJ Building noong Biyernes ng tanghali, may taping daw sila ng Home Sweetie Home.

Kaagad naming kinunan ng komento ang TV host-singer-actress sa paniniwala ng marami na posibleng maungusan ng “She’s Dating The Gangster” ang “Starting Over Again” nila ni Piolo Pascual na kumita ng P430 million.

“Ah, talaga? Tingnan natin,” sabi ni Toni na parang hindi naniniwala na kayang talunin ng tambalang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang pelikula nila ni Piolo.

Napansin naming parang na-bother din si Toni sa tanong namin dahil  kumunot ang noo niya kaya iniba na namin ang tanong. Inusisa na lang namin siya tungkol sa kapatid niyang si Alex na mas magaling daw umarte kaysa sa kanya.

“Okay lang sa akin kung mas magaling si Alex, kapatid ko naman siya, hindi naman ako nakikipag-compete,” sumayang sabi ng dalaga.

Binanggit namin na comedy at hosting ang forte ni Toni samantalang ang kapatid niya ay  magaling din sa drama, “Oo nga, magkaiba kami at saka mas marami siyang kayang gawin, mas witty ‘yun,” pag-amin ni Toni.

( Photo credit to toni gonzaga official fanpage )

Read more...