Arjo Atayde inaatake ng matinding nerbiyos


HAVE you lived enough? Have you loved enough? These are the questions that will make TV viewers ponder about their lives, relationships and death once ABS-CBN’s upcoming primetime romantic drama series Pure Love na magsisimula na ng ngayong Lunes.

Starring Alex Gonzaga and Yen Santos, ang Pure Love ay ang local adaptation ng super hit 2011 Korean TV series na 49 Days, kung saan patutunayan ang kapangyarihan ng true love at ng pagmamahalan ng pamilya.

It tells the story of Diane (Alex), an optimistic rich girl who seems to have everything; and Ysabel (Yen), an average working girl who led a rather “lifeless” life since her boyfriend died.

Isang aksidente ang magbubuklod sa tadhana nina Diane at Ysabel na magdudulot ng pagka-comatose ni Diane. Malalaman din ni Diane na humiwalay ang kaniyang kaluluwa sa kaniyang katawang lupa.

Dito niya makikilala ang misteryosong “Scheduler” (Matt Evans) na magsasabi sa kaniya na hindi pa nito oras para mamatay.
Ayon kay Scheduler ay may pag-asa pang mabuhay muli si Diane kung magagawa niya ang kaniyang special task sa loob na 40 araw na palugit.

Kinakailangan niyang makaipon ng tatlong patak ng luha mula sa tatlong tao, maliban sa kaniyang pamilya, na iiyak sa kaniya dahil sa tunay na pag-ibig, maliban sa kaniyang pamilya.

Para maisakatuparan ito ay sasanib si Diane sa katauhan ni Ysabel. Magtagumpay kaya sina Diane at Ysabel sa hamon na maibalik ang kani-kanilang buhay sa loob lamang ng 40 araw?

Makakasama nina Alex at Yen sa pinakabagong Primetime Bida teleserye na ito sina Arron Villaflor, Arjo Atayde, Joseph Marco, Yam Concepcion, at ipinakikilala si Anna Luna. Kukumpleto sa cast sina Sunshine Cruz, John Arcilla, Ana Capri, Bart Guingona, Dante Ponce, Shey Bustamante. Ang Pure Love ay sa direksyon nina Veronica Velasco at Mikey Del Rosario.

Speaking of Pure Love, excited kami para sa anak-anakan naming si Arjo Atayde dahil ito na yata ang biggest break niya on television. Sa kaniya ipinagkatiwala ang napakahalagang role in the said serye.

“Ninenerbiyos po ako sa magiging resulta ng serye naming ito. First time akong nakaramdam ng sobrang involvement in a work that I’ve done. I’ve always been proud of the shows na nagawa ko na in the past pero iba ang kaba ko para sa Pure Love, yung kabang may halong excitement.

Dahil siguro sa malaki ang role na ginagampanan ko rito,” ani Arjo na napakalakas ng appeal sa personal.Sa chikahan naman namin ng ever beautiful mom ni Arjo na si Sylvia Sanchez, sinabi nitong hindi siya nagpapaka-stage mother sa anak, basta lagi lang daw siyang nakasuporta rito.

“Never akong nakialam sa pag-aartista ng anak ko, nandito lang ako to support him anytime naman pero yung sasabihin mong kinukulit ko siya on anything, hindi ko ginagawa iyon.

I just advise him pag he needs my advice pero hanggang doon lang kami ng daddy niya. “Pero deep in our hearts, proud na proud kami sa kaniya – of what he has become dahil nakita naman namin kung gaano siya ka-propesyonal sa work niya.

Mana yata talaga sa akin sa pagka-punctual. Ha-hahaha!” ani Sylvia na cool na cool lang. “Pero sa totoo lang, kung meron sigurong pinaka-excited at pinaka-tense sa pagsisimula ng Pure Love, ako na ‘yun.

Siyempre, pilot airing ng show na kinabibilangan ng anak ko. Kung kayo rin siguro sa katayuan ko, baka hindi kayo makatulog. Ina ako siyempre, di ba?” pahabol pa ni Sylvia.

Anyway, bago mag-TV Patrol mamaya sa ABS-CBN ay mapapanood na ang pagsimula ng pinakainaabangan nating serye, ang Pure Love kaya huwag palagpasin. Kudos to you, Arjo Atayde – one of the industry’s best finds! Mwah!

( Photo credit to arjo atayde official fanpage )

Read more...