Binoe nakarma sa pang-aapi kay Aljur, mas masahol pa raw sa bakla


NAG-BOOMERANG kay Robin Padilla ang dayalog niyang “Isang bakla ang gusto niyong pag-usapan,” na obviously ay si Aljur Abrenica ang tinutukoy.

Also, his advice to his daughter Kylie Padilla na “Humanap siya ng barako. Barakong Pilipino, yun ang sinabi ko sa kanya,” left a bad taste in the mouth.

Marami ang nag-react sa mga sinabi ni Robin. Bakit daw hindi siya manalamin at nang makita niya na meron din siyang kapatid na bakla. Bakit daw galit na galit si Robin kay Aljur, eh, noong kasagsagan ng kanyang pagka-playboy ay pinagsabay-sabay nga niya ang mga babae niya, ‘yung iba nga inanakan pa niya.

Napa-look who’s talking na lang ang ilan sa social media sa mga tinuran  ng laos na action star. Masyado naman daw matabil ang bunganga ni Robin, sey nga ng ilang netizens, mas masahol pa raw siya sa baklang talak nang talak.

( bandera.ph file photo )

Read more...