THERE was a time pala na naging magdyowa sina Mark Herras at Marian Rivera. It was when Marian was still a starlet while Mark is already an established name. Naging sikreto ang kanilang relasyon, hindi namin alam kung bakit.
Madalas nga raw bisitahin ni Mark si Marian sa bahay pa nito sa Cavite noon. Kung walang work ay asahan mong naroroon siya buong magdamag.
But things took a sour turn when Marian was launched to solo stardom via Marimar. Hindi na sila nagkita ni Mark noon. In short, biglang naetsa-puwera ang Bad Boy ng Dancefloor for reasons na si Marian lang ang nakaaalam.
Alam kaya ng fans ni Marian na one time ay naging boyfriend ng idol nila si Mark? Ang alam kasi namin ay sina Ervic Vijandre at Dingdong Dantes lang naging dyowa ng kanilang idol.
Anyway, mapaglaro ang tadhana. Now, Marian is such a big name,sikat na sikat na at pambato ng Siyete. Things are now different. We were told that Marian and Mark cannot be shown in a show together na magkadikit.
May policy raw ang GMA management na ‘wag silang pagtabihin during any guesting. Bakit kaya? Kanino kayang polisiya ito, kay Marian, sa GMA or kay Dingdong? Kaya pala never namin nakitang magkatabi ang dalawa in any of their guestings.
Now na merong dance show si Marian, balitang magge-guest dito si Mark. So, paano ang magiging set-up ng kanilang production number kung hindi sila pwedeng magkatabi?
Anyway, pababa pala nang pababa ang rating ng kanyang dance show. From 9% na rating ng pilot episode ay naging7% daw ang rating nito. How sad, ‘di ba?
Ang comment ng ilan, luma ang mga sayaw. Sino raw ang makaka-relate sa mga “Rico Mambo” moves. Oo nga, bakit ba kasi ganoon ang konsepto ng show, parang throwback palagi.
Ayan, bagsak tuloy ang rating. Balitang-balita na super disappointed daw ang executives ng GMA 7 dahil sa ubod ng babang rating ng dance show ni Marian.
Sising-sisi raw ang mga ito kung bakit pa nila binigyan ng dance show ang dyowa ni Dingdong, eh, hindi naman pala magre-rate.
Ang Carmela flop. Ang last movie niya flop. Ang dance show niya flop. This makes Marian the seemingly UNDISPUTED FLOP QUEEN of GMA.
( bandera.ph file photo )