Ate Vi kay Kris: Marami pa akong dapat matutunan!


TALAGA namang sasaluduhan at hahangaan mo ang humility at coolness ng dear idol nating si Gov. Vilma Santos. Nang putaktihin siya ng pamba-bash sa social media dahil sa maling grammar at spelling ng mensahe niya sa isang card na ipinadala niya (kasama ng mga ensaymada) kay Kris Aquino, hindi na rin namin pinatulan ang isyu.

Sadyang may mga nagmamarunong lang talaga sa mundo na kung tutuusin ay followers naman ni Kris dahil sa mismong Instagram niya ito nagsimula.

Gusto naming intindihin na “proud” lang ang ever-taklesang actress-TV host sa naging gesture ng idolo namin, pero may punto rin naman ang mga nagsasabi na wala sanang iskandalo ngayon kung hindi na niya ipinost ang card dahil sigurado kaming alam niya na nagkamali nga si Gov. Vi.

Pero nandiyan na yan at mas humanga kami sa naging reaksyon ni Ate Vi nang padalhan niya ng text message si Kris at sabihin itong mas marami pa pala siyang dapat matutunan – bilang bahagi ng mensaheng puno ng pagpapakumbaba at pagtanggap sa pagkakamali.

Bilib na bilib pa kami nang pasalamatan niya ang bashers na namintas at nang-alipusta sa kanya, kaya agad na namatay ang isyu at marahil naburyong na ang mga nag-aastang magagaling kaya tumigil na rin sila.

Sa mga ganyang pagkakataon talaga kami sobrang napapahanga ng isang Vilma Santos. All these years at sa hinaba-haba na ng itinakbo ng kanyang bonggang karera sa buhay, hayan siya’t patuloy na nagpapakita ng pagpapakumbaba.

Isang katangiang bihira nang makita sa isang sikat na sikat na celebrity! Mabuhay ka Ate Vi. You are indeed a thinking and a very positive human being! Iyan ang tunay na pagpapakatotoo, di ba, Kris Aquino?

At dahil pagpapakatotoo na rin lang ang pinag-uusapan, finally ay natuto na rin ang kumpare naming si James Yap, by simply admitting and talking in public na mayroon siyang mas matandang anak kay Bimby.

Actually, never namang dinenay ng magaling na basketball player ang kanyang panganay na anak dahil since day one nang inilabas namin dito sa BANDERA (sa atin lang nagpaunlak ng panayam, remember kapatid na Ervin?)  ang balita around more or less 10 years back, pinanindigan naman ni pareng James ang noo’y nabuntis niyang kasintahan bago pa man sila naging magkarelasyon ni Kris.

Hindi na nga lang namin yun pinalaki pa dahil nakiusap nga sa amin ang noo’y nabuntis na kasintahan ni James, mas gusto na lang daw nitong manahimik tungkol sa kanyang kalagayan.

Mga ilang buwan pa lang noon na nagdi-date sina Kris at James at dahil na rin sa kasikatan at “powers” ni Kris, siyempre mas minabuti na lang din nu’ng girl na huwag nang magsalita though to put it on record, hindi rin basta-bastang babae ang dating GF ng PBA player.

At dahil harapan na itong naikukuwento ni pareng James ngayon sa publiko, sigurado kaming proud na proud at masaya ang kanyang naging panganay sa pagiging tunay niyang ama! Yun ang bonggang pagpapakatotoo!

( bandera.ph file photo )

Read more...