Pamilya ni Aljur nasaktan sa pang-aalipusta ni Binoe


Kung pagrespeto din lang ang usapan, hahangaan mo si Aljur Abrenica dahil never na itong pumatol o sumagot pa sa naging patutsada ng kaibigan nating si Robin Padilla tungkol sa paghihiwalay nila ni Kylie Padilla.

Sa natanggap naming text message mula sa isang malapit kay Aljur na pinadalhan nga namin ng mensahe tungkol sa maaanghang na komento ni Binoe laban sa binata, lalo na nang tinawag nitong bakla ang Kapuso hunk, sinabi nitong, “Ayaw na niyang magkomento pa friend.

Entitled naman daw ang lahat sa kanilang mga opinyon at karapatan naman daw yun ng ama ni Kylie at irerespeto na lang ‘yun ni Aljur.”

Alam daw niyang nasasaktan ang kanyang kaibigan pati na ang pamilya nito sa naging pahayag ng ama ni Kylie, pero ganu’n daw talaga ang kalakaran sa showbiz na kailangan nilang harapin at tanggapin.

Well, sa isa pang isyu na ipinarating namin sa naturang source tungkol sa posibleng pag-boomerang kay Aljur ng mga pangyayari lalo na sa mga projects nito sa GMA 7 dahil sa posibleng influence ni direk Gina Alajar  (at iba pa) na nagpahayag na ring ayaw nitong makatrabaho ang aktor (either as co-star o bilang direktor), isang makahulugang “?” (question mark) lang ang isinagot nito.

Huwag naman sanang umabot sa personalan ang isyung ito dahil lahat tayo ay naghahangad ng matinong trabaho. Nagre-recover din si Aljur at masakit din sa kanya ang pangyayari kaya’t sa work daw nito gustong ibaling ang atensiyon.

At paano niya gagawin iyan kung ipagdadamot sa kanya ng GMA?

( bandera.ph file photo )

 

Read more...