WALANG dapat sisihin ang mga biktima ng fraternity hazing kundi ang kanilang sarili dahil alam nila ang kinakaharap nila nang sila’y pumasok rito.
Alam nila na sila’y pumapasok sa lugar ng mga leon, pero walang takot na hinarap nila ang mga ito.
Bilang ama, ako’y nakikidalamhati at naaawa sa mga magulang ni Guillo Cesar Servando ng De La Salle University-College of St. Benilde na namatay kamakailan dahil sa matinding pambubogbog ng mga miyembro ng Tau Gamma Phi Fraternity.
Pero hindi ako naaawa kay Guillo dahil alam niya ang pinasukan niya.
Puwede naman niyang sabihin sa mga “masters” na ayaw na niya, magku-quit o di na lang siya sasali sa frat bago pa man siya makatikim ng matinding parusa.
Ang mga masters ay yung mga nagsasagawa ng initiation o pagpapahirap sa mga neophytes o baguhan.
Kung sinabi niyang itigil na ang pagpapahirap sa kanya at hindi itinigil ang pambubugbog, ibang usapan na yan.
Sa text na natanggap ng kanyang kaibigan, si-nabi ni Guillo na di siya “mag quiquit.”
Kaya’t hayun ang napala niya, kamatayan!
Sa mga ordinaryong tao o yung di nakaranas ng hazing sa frat, di natin maintindihan kung anong meron sa frat na susuu-ngin ng mga baguhan ang panganib upang sila’y matanggap.
Noong nasa college ako, nag-apply ako sa isang kilalang fraternity pero nang pinakakalkal ako ng dumi sa kubeta ay sinabi ko sa master na siya na lang ang magkalkal.
Mula noon, hindi ko na binalak ang maging miyembro ng frat kahit na sinasabi pa sa akin na ako’y “barbarian.”
Ang isang barbarian sa campus ay estudyante na hindi miyembro ng fraternity o sorority.
Sabihin na natin na ang mga neophytes ay mga masokista at ang mga masters ay mga sadista, pero ang pagpapahirap at pagpapahiya ay kasama sa initiation rites.
Ang mga ginagawang pagpapahirap ng mga masters sa mga baguhan ay dinanas din nila noong sila’y neophytes din.
Kaya’t ang pagbabawal ng hazing sa fraternity ay parang pagbabawal ng hazing sa Philippine Military Academy (PMA).
Ilan na rin ang namatay na estudyante dahil sa frat hazing.
Ilan na ring fratmen ang nasentensiyahan ng korte dahil sa pagsali nila sa hazing na nauwi sa pagkamatay ng neophyte, gaya ng pagkamatay ng Ateneo student na si Lenny Villa.
Pero nabilang na ba natin ang namatay sa hazing sa PMA mula nang ito’y itinatag in the early part of the 20th century?
Pero bakit wala yatang senior cadet ng PMA na ikinulong dahil sa pagkamatay sa hazing ng isang plebo o first year cadet?
Kahit na nabuhay si Guillo at naging imbalido dahil sa dinanas niya, sa tingin ba natin ay sasabihin niya kung sino ang nagpahirap sa kanya?
Sa aking palagay ay hindi.
Ang aking pinsan na si Aleksei “Boyex” Aguirre ay dumanas ng matinding pambubugbog sa Philippine Military Academy (PMA).
Sa tindi ng kanyang injury, siya’y naospital at pinag-leave sa PMA. Di na siya bumalik.
Hindi iniskwil o sinumbong ang mga nagpahirap sa kanya.
Ganoon ang samahan sa fraternity—ang PMA ay isang malaking fraternity—at hindi ito maiintindihan ng mga outsiders na gaya natin.
Hanga ako sa katali-nuhan ni Sen. Miriam Defensor Santiago.
Hinahangaan ko siya kapag inaalipusta niya ang kanyang mga kaaway sa Senado at sa labas sa kanyang perfect command of English.
Pero mas lalo akong pinahanga ni Miriam dahil sa kalmado niyang hinaharap ang Stage 4 cancer.
Nagbibiro pa nga siya tungkol sa kanyang kalagayan.
Wala nang pag-asang gumaling sa Stage 4.
Lahat tayo ay mamamatay, ani Miriam.
May mga maaga na papanaw sa atin at ang iba naman ay saka na.
Kapag natapos na ang misyon natin sa mundo, babalik tayo sa ating tunay na tahanan, ang Mundo ng Espiritu, kung saan ang pagmamahal sa kapwa ay walang kapalit at wala nang sakit na nararamdaman.