HOROSCOPE, JULY 04, 2014

Para sa may kaarawan ngayon:  Huwag ubusin ang pera sa alak at blow-out, magtira para bukas! Sa pag-ibig,  maghanda ng maraming pera, may biglaang romansang maganap.  Mapalad ang 1, 7,  28, 31, 40 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Agiel-Zazel-Yophiel.” Yellow at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)-  Huwag sumuko hangga’t hindi nakakamit ang pinaka-dulo ng minimithi – ang yumaman. Sa pag-ibig, huwag hiwalayan ang kasuyo upang makasama mo siya sa isang malaking tagumpay. Mapalad ang 9, 12, 18, 27, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Magenta at white ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)-   Huwag nang maghanap ng kaligayahan kung saan-saan, nasa sarili mong tahanan ang ligaya. Mahalin nang lubos ang inyong pamilya. Kapag minahal ang pamilya, bukod sa ligaya ay kusang darating ang maraming grasya. Mapalad ang 6, 18, 21, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Om.” Purple at lilac ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) –   Lalo mo pang palawakin ang iyong mundo. Habang dumadami ang kaibigan ay mas lalago ang oportunidad ng pagkakaperahan. Sa pag-ibig, mentras maraming kang kakilala at BFF mas makapamimili ka ng matitinong kasama. Mapalad ang 6, 15, 22, 26, 35 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Name-Aum.” Cream at orange ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) –    Sa simpleng buhay ay mas magiging maganda ang kapalaran at maligaya ang kapalaran. Sa pag-ibig, ayain ang kasuyo sa ilalim ng malaking punong kahoy, hawak kamay n’yong pagmasdan ang paglubog ng araw.  Mapalad ang 7, 16, 24, 36, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sari-Kara-Carya-Om.” Pink at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) –  Tanggapin lang nang tanggapin ang anumang negatibong sitwasyon. Tandaan na “ang lahat ng problema ay kusa ring lumilipas!” Sa buwan ng July hanggang August ay magbabago ang takbo ng kapalaran patungo sa pag-unlad at pag-asenso. Mapalad ang 7, 13, 26, 35, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Speculum-Om.”  White at beige ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) – Magtiwala sa sarili. Kaunting panahon na lang ay matutupad na ang lahat ng mga pangarap mo sa buhay higit lalo sa aspetong pang-materyal. Sa pag-ibig, malaki ang maitutulong sa iyo ng kasuyong isinilang sa petsang 5, 14 at 23 upang mas madali kang yumaman. Mapalad ang 1, 12, 15, 27,  41 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Marga-Om.” Blue at pink ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) –  Sa araw na ito at sa susunod na mga araw ay ihahatid ka ng iyong emosyon sa isang maligayang relasyon handog ng isang Virgo. Sa pinansiyal, haluan ng pagmamahal at lambing ang produktong may kaugnayan sa pagkain. Mapalad ang 6, 12, 23, 36, 44 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Veda-Rata-Vada-Om.” Purple at silver ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) –  Mawawala ang negatibong pakiramdam kung itutuon ang isipan sa mga bagay na may kaugnayan sa pag-ibig. Isang tapat at mabuting Taurus  ang darating. Sa pinansyal, ang pinakaepektibo paraan upang umunlad ay ang mag-ipon. Mapalad ang 4, 13, 28, 37, 39 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dosya-Om.” Black at red ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) –   May darating na bagong kakilala, na makakasama sa panibagong yugto ng iyong buhay. Siguraduhing siya ay isang Aries o kaya’y Gemini upang lumigaya at umunlad ang inyong kabuhayan. Mapalada ng 4, 13, 28, 33, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Govardana-Krisna-Krisna-Om.” Orange at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)   –    Sa pinansiyal, hindi awa ang dapat kundi ang pagiging mukhang salapi upang yumaman. Sa pag-ibig, kung puro damdamin ang paiiralin, paano ka uunlad? Mapalad ang 4, 14, 23, 37, 39 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dosya-Om.” Orange at green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) –  Isang kasamahan ang magtsitsismis sa mga sinasabi mo. Huwag gaanong magtitiwala sa mga kaibigan. Iwasan ding magyabang upang hindi ka nila kainggitan. Sa pag-ibig, basta tahimik ka lang ay kusang darating ang true love. Mapalad ang 7, 13, 22, 36 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Taph-Harth-Harath.”  Pink at yellow ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)  –  Huwag dayain ang sarili! Kapag alam mo ng pa lugi ang negosyo ay tumigil ka na bago malubog sa mga utang. Sa pag-ibig, kung alam mo namang iskadalo ang magiging wakas, huwag nang ituloy ang lihim na relasyon. Mapalad ang 4, 14, 23, 36, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Padme-Om.” Magenta at white ang buenas.

Read more...