Edu hiwalay na sa dyowang TV5 executive

GELLI DE BELEN, EDU MANZANO AT TINTIN BERSOLA

Imagine, nakatatlong season na pala ang Face The People. E, kailan lang namumroblema pa ang staff kung ibabalik ang show kasi nga mahina raw sa ratings game kaya nagulat kami na nagtuluy-tuloy na ito sa bago nitong timeslot na 10:15 a.m. simula sa Lunes, Hulyo 7 kung saan makakasama na rin nina Tintin Bersola at Gelli de Belen si Edu Manzano.

Dahil si Edu ang bago sa hosts kaya siya ang una naming tinutukan pagkatapos ng Face The People presscon. Siyempre ang unang tanong ay tungkol sa anak niyang si Luis Manzano na balak pumasok sa pulitika sa 2016.

“Ako, never akong nakialam sa kanya. Bahala siya. You know, whatever my children do, I will always support them. Pero siyempre, sabi ko nga sa kanya, there’ll always have to be sacrifices. You cannot have your cake and eat it too. So, you have to give priorities to something.

“If you choose to decide to serve the people, that should be the focus of your existence. Maski noon, okay sa akin. I just want him to realize, kasi, having come from there, that it would demand sacrifice on his part. Hindi bale sana kung dito siya sa Maynila and he’s living sa city na ’yun. Pero eto, probinsiya. So, maglalagare siya. I don’t know if he decides to stay in the business or quit, I don’t know,” ani Edu.

Natawa pang inamin ni Edu na si Luis nga raw minsan ang nagbibigay sa kanya ng payo.

Sa tanong namin kung lahat ng anak niya ay taken na, agad namang umoo si Edu sa amin, “Lahat. But none of them want to talk about their love life,” say ni Edu.

Natutuwa raw si Edu kapag magkakasama silang mag-aama dahil hirap na hirap daw niyang buuin ang mga ito dahil may kanya-kanyang lakad na kaya kapag kasama niya ang tatlo pati ang kanilang mga girlfriend at boyfriend ay talagang ninanamnam niya ang bawa’t sandali.

“Well, except si Angel (Locsin) because of her schedule, pero minsan, the boyfriends, the girlfriends lahat ‘yan, mas gusto ko na nandiyan sila,” aniya. Dagdag pa nito, “Si Luis muna. Let them (Enzo at Adi) muna enjoy their lives tulad nang ginawa ni Luis sa buhay niya.”

Samantala, hiwalay na pala si Edu sa dati niyang karelasyon na isang executive ng TV5, “Last year pa kami wala, hindi mo nabalitaan?” sabi niya sa amin.

At dahil single na naman si Edu ay ano ba ang plano niya since malapit na siyang maiwang mag-isa sa bahay nila, “Happy na ako. I get to travel with my children. Nagbibiyahe kami, nangingibang-bansa,” katwiran niya.

At bukod sa travel, handa na ba siya uling makipag-mingle? “Oo, matagal na akong nagmi-mingle, eh. But nobody wants to tingle, eh. Kaya umuuwi akong jingle na lang,” natawang sabi ng TV host.

Samantala, inamin ni Doods na nasa-shock siya sa mga naririnig niyang kuwento sa Face The People na hindi raw niya ine-expect na may mga ganu’n talagang problema at aminado siyang hirap na hirap siyang bumitaw dahil dala-dala niya hanggang pag-uwi ng bahay.

“Sabi nga ni Gelli, bumitaw na ako, e, hindi ko magawa kasi pumapasok sa isipan ko, nakakaawa na hindi ko alam talaga, kasi like may mga sinasabing tulungan sila kasi wala silang work.

“Tapos makikita mo, nakikipag-inuman sa kanto, may bisyo, paano ka maaawa, paano mo maaayos ang problemang personal,” kuwento pa ni Doods.

 

Read more...