Thea kay Andre: Boyfriend material po siya!


Speaking of “kilala”, iyan ang ginagawa ngayon ni Thea Tolentino kay Andre Paras na kasama niya sa seryeng The Half Sisters ng GMA 7.”Boyfriend material siya,” ang  kinikilig pang tugon ng dalaga sa “getting to know” moments niya sa anak ni Benjie Paras.

“Masarap siyang kilalanin,” sey pa ni Thea na siyang unang love interest pala ni Andre (as Bradley) sa The Half Sisters. Pero sa daloy ng kuwento ngayon ay nababaling ang atensyon nito kay Diana (Barbie Forteza, ang kanyang mabait na half-sister).

“Yun ang challenge sa akin kasi gagawin ko ang lahat ng masama mailayo ko lang si Bradley kay Diana. Parang sa totoong buhay lang,” ang natatawa pang tsika ng batang aktres.

Napapanood ang The Half Sisters sa GMA Afternoon Prime pakatapos ng Eat Bulaga.

( Photo credit to EAS )

Read more...