Chiz, Heart secretly married?

NILINAW ni Senador Chiz Escudero na walang naganap na kasalan sa pagitan nila ng girlfriend na aktres ni si Heart Evangelista nang magbakasyon sila sa Paris.
Kamakailan lang ay bumalik sa bansa ang magkasintahan, at kumalat ang chika na kasal na ang dalawa dahil nagpa-secret marriage umano ang mga it.
Ayon sa senador, hindi siya naniniwala sa “secret marriage” at wala umanong rason para ilihim ang kanilang pagpapakasal ng kasintahan kung totoo man nga na sila ay nagpakasal na.
Ginagawa lamang aniya ang secret marriage kung ikinikahiya ang kapartner nito. Nilinaw din ng senador na hindi pa siya nagpopropose ng marriage kay Heart.
Nang tanungin naman  si Escudero kung kung humingi na siya ng basbas sa mommy ni Heart, sinabi nito na  40-anyos na siya at hindi na kailangan pang humingi ng permiso.
Una nang tinutulan ng mga magulang ni Heart ang pakikipagrelasyon kay Ecudero dahil sa umanoy mga pangit na ugali nito, kabilang na rin sa may mga bisyo pa ito.

Read more...