All-Star Charity Event sa Hulyo 22-23

ISA na namang All-Star basketball show ang handog ng PLDTHome, Sports5, at MVP Sports Foundation. Sa Hulyo 22-23 itinakda ang   “PLDTHome: The Last Home Stand All-Star Charity Event”  sa Smart Araneta Coliseum tampok ang Gilas Pilipinas men’s national team.

Makakasagupa ng Gilas ang koponan ng NBA players na pinangungunhan nina  Blake Griffin ng  LA Clippers, DeMar DeRozan at Kyle Lowry ng  Toronto Raptors, Damian Lillard ng Portland TrailBlazers, Paul Pierce ng Booklyn  Nets,  at 2014 Finals MVP Kawhi Leonard ng San Antonio Spurs.

Ang bisitang koponan ay mamanduhan ni coach John Lucas. Bukod sa actual game ay magkakaroon din ng  slam-dunk exhibition, three-point shootout at  John Lucas Skills Camp ang naturang event.

Ang “PLDTHome: The Last Home Stand All-Star Charity Event” din ang huling tuneup match para sa Gilas bago sasabak ang pambansang koponan sa FIBA Basketball World Cup sa Seville, Spain.

Read more...