Arjo patatayuan ng parlor ni Sylvia Sanchez


Nakakatawa ang kafatid nating si Sylvia Sanchez – we had so much laughter nang kumalat ang tsismis na bading daw ang anak niyang si Arjo Atayde.

Kasi nga, nu’ng mag-guest si Arjo sa GGV last Sunday, lumabas na mas magaling pa siyang gumiling kaysa kay Alex Gonzaga na ka-partner niya sa seryeng Pure Love.

Magaling kasing sumayaw si Arjo kaya mabilis na nagduda ang netizens sa kasarian ng binata. “Sabi ko sa kaniya, kung bakla ka anak sabihin mo sa akin ha, para patayuan kita ng parlor at ipapadala sa New York para mag-aral ng designing.

Ha-haha!” ani Sylvia sa kaniyang macho baby. Ang tanging naisagot ni Arjo na nakangisi sa mommy niya ay, “Sayang. New York pa naman iyon. Kaya lang, hindi, eh. Sayang at hindi ako naging bading.”

Ako mismo ang makakapagsabing tunay na lalaki talaga itong si Arjo. Kasi nga, tulad ng kasabihang “it takes one to know one” at sa ilang beses kong nakasama at nakausap si Arjo, kung bading siya hindi siya tiyak makakaligtas sa akin.

Napakadisente lang talaga ng batang ito – magalang, matalino at professional. Kung iyon ang batayan ng mga tao para sabihing bading si Arjo, bongga, di ba?

Sa totoo lang, kung meron akong anak na babae, wish kong maging asawa ni Arjo dahil sigurado akong mabibigyan niya ito ng matinong buhay dahil napaka-hardworking na bata and napakadisente and funny at times. Just love this boy.

Kaya nakakatawa ang mga naninira kay Arjo – pero in fairness sa bata, hindi siya affected.  Excited na kami sa airing ng Pure Love nila nina Alex Gonzaga and Joseph Marco this coming July 7 sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Napakagaling ni Arjo dito, nakakalokang umarte ang bagets. May iba siyang style sa pag-atake ng kaniyang role sa Pure Love.
Kahit anong role ang ginagampanan niya, palagi siyang may surprise na hatid sa viewers.

Iba-iba ang atake niya sa bawat proyektong ginagawa niya. Iyan ang tunay na aktor – husay talaga!

 

Read more...