Classifieds Motor
PARA sa inyong mga riders, mechanics, motorcycle salesmen, parts distributor at insurance companies ang Bandera Motor Section Classifieds. Puwede ninyong i-text ang inyong ibinebentang motor sa BMS Classifieds at libre ito (one liner lamang). Halimbawa: YAM Mio P40 (cell phone number).
Kung gusto ninyong makipagpalit, text: SWAP XRM 2010 (cell phone number). Kung gusto ninyong i-text ang inyong serbisyo, i-text: MECHANIC Sam (cell phone number). VINTAGE bike (cell phone number). PARTS (cell phone number). INSURANCE (cell phone number). I-text ang mga ito sa 0917-8446769
MOTORISTA
Milyahe
BAKIT madaling masira ang milyahe (speed meter)?
Lance
BANDERA
HINDI mo binanggit ang brand ng motorsiklo o scooter. Gayunpaman, kailangang lapat ang mga turnilyo ng bahay ng speedometer dahil mas madalas maalog ito kesa sa mismong katawan ng motor.
Dahil sa malambot na suspension o shock sa harap ay karaniwang hindi nararamdaman ng rider ang lakas ng alog. Maaari ring mula sa kable ang sanhi ng pagkasira ng speedometer, na karaniwang nangyayari.
Maraming replacement cable pero mas makabubuti na ang mismong brand ang ipalit. Karaniwang replacement cable ay mas mahaba ang kable kesa original, kaya’t may peligro na sumabit ito habang tumatakbo.
Mahalaga ang speedometer dahil bukod sa milyahe na sinusukat nito ay gabay din ito para hindi sumobra ang bilis.
MAY reklamo ka ba sa E-10 gasoline, peke at substandard na piyesa, at ilang bagay hinggil sa fuel, lubricants, motor, atbp? I-text sa 0917-8446769