Juday ayaw makatrabaho sina Jodi at Uge, mas type gumawa ng solo movie?
DALAWANG malalaking pelikula ang tinanggihan ni Judy Ann Santos. Una, ang “Maria Leonora Teresa” ni Direk Wenn Deramas at ‘yung isa naman ay ang CineMalaya 2014 entry for the New Breed category, ang “Mariquina.” Gumigiling na pareho ang kamera para sa dalawang pelikulang nabanggit.
Sa naunang report na lumabas, may ibang proyekto raw kasi na gustong gawin si Juday kesa sa first horror-film ni Direk Wenn from Star Cinema.
Pero ayon sa aming informant, sinabi raw ni Juday sa Managing Director ng Star Cinema na si Malou Santos na mas gusto muna niyang gumawa ng pelikula na solo niya at drama na mala-“Caregiver” ang dating.
Hindi naman daw sa tinanggihan ni Juday ang horror film kung saan tatlo sana silang bida nina Jodi Sta. Maria at Eugene Domingo. Gagawin daw niya ‘to after nu’ng drama film na ire-request niya sa Star Cinema.
Sad to say, walang ready material ang Star Cinema para sa konsepto ng pelikulang gusto ni Juday. Pwede naman daw ‘yun kung magmi-meeting muna ang creative team ng Star Cinema for a Judy Ann solo-heavy drama movie at uunahin muna niyang gawin ang “Maria Leonora Teresa.”
So, by the time na tapos na siyang mag-shoot, ready na rin ang movie na nire-request niya sa Star Cinema. But then, hindi raw pumayag si Juday na unahin ang “MLT” saka isusunod ang drama movie na gusto niya.
Hindi rin naman daw pwedeng hintayin ng “MLT” team si Juday na unahing makabuo ng concept na gusto niya at tapos isu-shoot pa ‘yun, saka niya gagawin ang horror film ni Direk Wenn.
Kaya napunta ang role ni Juday kay Iza Calzado na fresh naman sa box-office success ng “Starting Over Again” ni Olivia Lamasan na kumita ng P430 million sa takilya.
Kasunod nito, pagkatapos tanggapin ang indie film ng baguhang direktor na si Milo Soqueco na “Mariquina,” nag-backout din si Juday nu’ng malaman niya na wala na rin ang isa sa mga original cast na si Joel Torre na pinalitan ni Ricky Davao.
So now, Juday is left with no movie project. But it doesn’t mean na wala nang gagawin ang misis ni Ryan Agoncillo, huh. Bisi-bisihan pa rin for sure si Juday sa rami ng karaketan niya, ‘no.
( Photo credit to EAS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.