Raymart ayaw nang balikan si Claudine kahit bati na | Bandera

Raymart ayaw nang balikan si Claudine kahit bati na

Ervin Santiago - July 02, 2014 - 03:00 AM


Kung hindi na magloloka-lokahan si Claudine Barretto at kung susundin ni Raymart Santiago ang lahat ng napagkasunduan nila ng dating asawa, hindi imposibleng magkabalikan pa ang dalawa.

Wala pa rin kasi talagang makapagsasabi kung ano ang mangyayari sa kinabukasan, malay nga naman natin, sa kabila ng pagbabatuhan nila ng baho nitong mga nakaraang mga buwan ay sa balikan pa rin ang ending ng lahat.

Pero sabi ng isa nating source na malapit kay Raymart, ginagawa lang ito ng Kapuso actor para sa kanilang mga anak, as in talagang wala na siyang balak na balikan o makisama uli kay Claudine.

But this is a good start daw para sa estranged couple na maging magkaibigan uli. Sabi nga ni Claudine sa pag-aayos nila ng aktor para sa kapakanan nina Sabina at Santino, “All I can say is that, thank God, it’s gearing towards good signs and good direction para sa mga anak namin at sa amin.”

Ayon pa sa aktres, “Sabi ko nga kay Raymart, ‘If we failed as husband and wife, let’s not fail naman as parents.’ Sabi ko, ‘Let’s partner naman in being good parents. Nakakahiya naman. Karirin na natin ‘to!'”

Para naman kay Raymart, naniniwala siya na ang lahat ay dahil na rin sa pagdarasal nila ni Claudine para sa magandang kinabukasan ng kanilang mga anak. Aniya, “Lahat naman din nakukuha sa dasal.

Pinagdasal namin na maayos ang lahat. (Masasabi ko) na may Diyos.” Dagdag pa ng aktor, “Hindi naman madadaan ang lahat sa mabilisan, lalo na sa pinagdaanan namin.

I think more than one year na ‘tong tumatakbo, itong kaso. Maganda rin ito, kahit paano, may liwanag.”

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending