Gary nakipag-meeting sa producer ni Katy Perry


Masayang ibinalita kahapon ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano na pagkatapos ng presscon para sa repeat ng concert niyang “ARISE” na ginanap sa Valencia Compound na pag-aari ni Mother Lily Monteverde ay may meeting siya kinagabihan sa record producer ni Katy Perry.

Ayon kay Gary, sobrang excited siya sa meeting at wala siyang ideya kung para saan ito pero the fact na tinawagan ang management company niya at gusto siyang makausap ng nasabing producer ni Katy Perry ay sobrang excited na siya.

Ayaw pa sanang banggitin ni Gary ang tungkol dito kaya hiningi niya ang permiso ng asawa at manager na si Angeli para ibalita sa press.

Pakiwari namin ay napanood ng producer ang performance ni Gary sa isang show niya sa Amerika kamakailan, “I have no idea, it’s a very intimate dinner tonight.

I know my daughter loves Katy Perry as the whole world does, and I don’t know why all of a sudden. I will find it tonight.”
Samantala, ibinalita rin ng TV host-singer na may sinusulat siyang  kuwento ngayon na plano niyang i-present sa Star Cinema para maisapelikula, “I’m excited kasi 7 years ko nang sinusulat ito at hopefully, matapos ko this year para ma-present sa ABS,” ani Gary na umaming plano nang bumalik sa acting.

Sa August 2 na ang “ARISE: The Repeat” sa SM MOA Arena. For inquiries, tumawag sa SM Tickets, 470-2222.

( Photo credit to entertainment inquirer.net )

Read more...