ALAM mo ba na kapag walang pangalan ng negosyo o address ng operator ang mga sasakyan na for hire o PU, kailangang magbayad ng P500? Kukumpiskahin ang plaka at kukunin ang OR/CR ng mga sasakyang for hire o PU na lalabag sa business name at maisosoli lamang ang mga ito kapag natugunan na ang pagkukulang.
Ang di awtorisadong paggamit ng kampana, sirena at exhaust whistle ay malaki ang multa: P15,000.
Bukod sa multa, sasamsamin din ang mga gamit na ito at di na muling mababawi.
Ang mga sasakyang walang functional spare tire (reserba na may hangin at maaaring ipalit sa na-flat) at may multang P300.
Kaibigang kapwa driver, marami pa kaming tip para sa iyo. Sundan bukas. Hasta la vista.
Lito Bautista, Executive Editor – BANDERA
September 19, 2009
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.