Vice: Wala akong dyowang binalikan, pero masaya ako!


USAP-USAPAN sa apat na sulok ng showbiz na nakipagbalikan na raw si Vice Ganda sa ex-boyfriend na basketball player. Kaya raw happy na uli ang TV host-comedian ay dahil okay na uli ang kanyang lovelife.

Pero sa interview ng The Buzz kay Vice last Sunday, dinenay nito na nagkaayos na sila ng dating dyowa. Sey ng komedyante, wala siyang binabalikan at hindi na siya magsasalita tungkol sa relasyon niya.

“Walang balikan. Basta masaya lang ako. Masayang masaya ang buhay ko,” ani Vice Ganda. May nagpapasaya na ba sa kanya after the break-up with the guy, “Basta. Basta masaya.

Mas gusto ko maging private ngayon. Kasi naranasan ko talaga nu’ng mga nakalipas na taon, pinilit ko maging private pero hindi pa rin kami nakaligtas. Ang dami pa ring nangyari. Mas gusto ko na talagang manahimik.”

Hirit pa niya, “Basta gusto ko lang ang alam nila, masaya ako para masaya din sila kapag nalaman nilang masaya ako. I am so happy with all the people around me.”

Samantala, dedma lang si Vice sa mga nang-ookray sa MMFF entry nilang “Praybeyt Benjamin 2” kung saan makakasama niya sina Bimby at Richard Yap.

“Oo, dedma na ako. Lahat naman ng pelikula namin na-bash pero ano bang nangyari? Taon-taon kami naman ang highest grossing film. We are blessed. We should be very thankful,” aniya.

( Photo credit to EAS )

Read more...