Kc, Paulo huli sa akto: nag-date sa Baguio


Iba ang sinasabi ni KC Concepcion sa kanyang mga ikinikilos tungkol sa tunay na relasyon nila ni Paulo Avelino. Laging ipinagdidiinan ng anak ni Megastar Sharon Cuneta na wala silang relasyon ni Paulo, pero bakit palagi silang nakikitang magkasama sa mga lakaran.

Kamakailan ay kumalat sa social media ang picture nila ni Paulo na kuha raw sa Baguio City. Balitang doon daw nag-date ang dalawa pagkabalik ng aktres sa Pilipinas mula sa Amerika.

Patunay lang daw ito na meron pa ring namamagitan sa kanila sa kabila ng lumabas na balita noon na binasted na niya ang binata. Sa latest interview ng ABS-CBN kay KC, sinabi nitong wala sa priority niya ang lovelife.

“For now kasi work ang priority ko. Work hard, play hard. And excited ako sa bago kong show. Parang kailangan huminahon muna siya (puso) and magfo-focus muna ako ulit sa show na gagawin ko,” aniya pa.

Hindi kaya nagbunga na rin ang pagtitiyaga ni Pauli kay KC? Kung matatandaan, sinabi ng aktor na hindi siya susuko sa panunuyo kay KC.

( bandera.ph file photo )

Read more...