Tom Rodriguez: Oo, may nangyayari na sa amin ni Carla!


Ayaw naman nina Tom Rodriguez at Carla Abellana na maging hinog sa pilit ang kanilang special friendship. Mariing idinenay ng dalawang bida ng seryeng My Destiny na magsisimula na sa Lunes sa GMA TeleBabad, na sila’y magkarelasyon na.

Marami kasi ang nakakapansin na iba na raw ang titigan nila sa isa’t isa, parang may “something” na, ibang-iba nu’ng nagsisimula pa lang sila sa bekiseryeng My Husband’s Lover na posibleng na-develop na nang tuluyan nang gawin nila ang pelikulang “So, It’s You”.

“There’s something going on, and it’s work. We’re always working together!” natatawang chika ni Tom sa presscon ng My Destiny kamakailan.

“Wala pa talaga du’n, e. So, ayokong isipin, ayokong puwersahin. It’s not in my intention, it’s not in my mind. Right now, I’m just enjoying kung ano ang meron, ‘eto, nag-e-enjoy kami sa trabaho,” paglilinaw ng Kapuso hunk actor.

Gaano na ba sila ka-close ni Carla ngayon? “Actually, okay lang, pareho lang,” ani Tom kasabay ng pagsasabing hindi rin sila gumigimik nang sila lang dalawa.

“We don’t go outside of work. Kung ano ang trato ko sa kanya dati, ganoon pa rin. Makulit ako, masaya kami, nag-e-enjoy, nagtatawanan. Siguro, mas lumalalim na ang friendship na, at least ngayon, we can share personal things with each other,” aniya pa.

Pero in fairness, talagang ang lakas-lakas ng chemistry nina Carla at Tom, kitang-kita namin yun sa trailer pa lang ng My Destiny, lalo na ‘yung aksidenteng halikan nila at ‘yung mismong si Carla na ang biglang sumunggab sa labi ni Tom!

Sa presscon pa rin ng My Destiny, nilinaw ni Carla na hindi naman talaga relihiyon ang sentrong rason kung bakit sila naghiwalay ni Geoff Eigenmann tulad ng sinabi ng nanay ng aktor na si Gina Alajar.

Sagradong Katoliko kasi si Carla habang Born-Again Christian si Geoff, “I wouldn’t say it’s religion, it’s one of the factors. Totoo naman. Christian siya, ako Roman Catholic. We practice different faith, but that’s not naman the main reason.

“Ang religion, nagagawan naman ng paraan ‘yan. At the end of the day, pare-pareho lang tayo ng pinaniniwalaan. It’s one of the reasons, pero I wouldn’t say na hindi naman siya deciding factor,” pahayag pa ng aktres.

Inamin niya na isa sa mga dahilan ng break-up ay ang kawalan ni Geoff ng plano para sa future nilang dalawa. Napabalita kasi noon na tamad daw si Geoff at walang pangarap sa buhay.

Anyway, magsisimula na nga sa Lunes ang My Destiny at excited sina Carla at Tom sa panibagong journey na ito sa kanilang career at sana raw ay suportahan din ito ng viewers tulad ng pagsuporta na ibinigay nila sa My Husband’s Lover.

Makakasama rin dito sina Kuh Ledesma, Al Tantay, Sid Lucero, Rhian Ramos at Lorna Tolentino with Kapuso youngstars Ruru Madrid, Ashley Ortega at Gabrielle Garcia. Ito’y sa direksiyon ni Bb. Joyce Bernal.

( Photo credit to EAS )

Read more...