Dyesebel tatapusin na kahit humahataw sa ratings game


Taliwas sa mga nalalabasang chika tungkol sa nalalapit na pagtatapos ng fantaseryeng Dyesebel, nilinaw ng Dreamscape Entertainment na nananatiling number one sa ratings game ang programa at sandamakmak pa rin ang commercial nito.

Kinumpirma ng isang ABS-CBN insider na tatlong linggo na lang sa ere ang Dyesebel simula ngayong Lunes. Ito raw ang desisyon ng management, “Yes, Dyesebel is nearing its finale but soaring high in ratings.”

Sabi pa ng source, “Dyesebel maintained its excellent performance from day one. And has remained a top rating teleserye in Primetime. Although the show is doing good, averaging 30%, hanggang doon na lang talaga ang story.

Pag in-extend pa, lalaylay na.” “We never said anything kung ilang weeks sa ere ang Dyesebel. But based doon sa story, hanggang doon na lang talaga!” dagdag pa ng aming kausap.

In fairness, maganda ang naging move na ito ng Dreamscape sa Dyesebel. Hindi na nila in-stretch ang run na usually ay nagiging dahilan ng paglaylay ng takbo ng teleserye.

At least, sa huling tatlong linggo nito sa ere, masasabi nina Anne Curtis, Gerald Anderson, Sam Milby, Dawn Zulueta, Andi Eigenmann, Ai Ai delas Alas,  Zsa Zsa Padilla at ng buong  production na magpapaalam ang Dyesebel na mataas pa rin ang rating.

( bandera.ph file photo )

Read more...