ALAM mo ba na kapag ki pa pinayagan ng LTO na gamitin ang improvised plates (plakang kinopya mula sa orihinal dahil maaaring nawala ito o ninakaw), pagmumultahin ka ng P300?
Kapag may diperensiya ang hand brake (o walang hand brake) ay pagbabayarin ka ng P200 at kukunin ang plaka ng sasakyan, na maisosoli lamang kapag naayos na ang diperensiya.
Kapag di gumagana ang speedometer, ang multa ay P200. Kukunin din ang plaka at isosoli lamang kapag naayos na ang hand brake.
Kapag di gumagana ang windshield wiper, P200 ang multa at kukunin din ang plaka at isosoli lamang kapag naayos na ang diperensiya.
Kapag walang rear view mirror, ang multa ay P200 at kukunin din ang plaka. Maisosoli ang plaka kapag naayos na ang diperensiya.
Kapag walang ilaw sa loob (interior light), ang multa ay P200. Kukunin din ang plaka at isosoli lamang kapag naayos na ang diperensiya.Kaibigang kapwa driver, marami pa kaming tip para sa iyo. Sundan bukas. Hasta la vista.
Lito Bautista, Executive Editor – BANDERA
September 18, 2009
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.