Gustong mag-abroad, takot sa recruiter

ISA po akong driver sa isang kumpanya dito sa Navotas City. Bagaman sumusweldo naman po ako ng minimum at mabait naman ang amo ko pero sa sobrang mahal po ng mga bilihin sa ngayon ay kinakapos pa rin po ang aming pa-milya.
Gusto ko po sanang mag-abroad para sa mas mataas na sweldo pero natatakot naman po ako na mabiktima ng illegal recruitmet. Ano po ang dapat kung gawin?
Eli Oliva

REPLY: Upang hindi mabiktima ng illegal recruitment, dapat na siguruhin na legal ang agency na iyong inaaplayan at ito ay malalaman:

Una,dapat ay may opisina ang employer, kung walang tanggapan at kung nagre-recruit sa tindahan, mall o restaurant, illegal ang recruitment agency na yan.

Pangalawa, maaaring i-verify sa website ng POEA kung lehitimo ang kumpanya at nasa listhanan din ang pa-ngalan ng mga opisyal ng recruitment agency.

Pangatlo, dapat ay batid ang pagkakakilanlan ng taong nagre-recruit para sa iyong pagtatrabaho sa ibang bansa.

At pang-apat, hindi dapat na naniningil agad ng bayad. Ang pagbabayad ng katumbas ng isang buwang sweldo para sa agency o bilang placement fee kinakailangang munang magbigay ng kontrata.

Ngunit kung ang pupuntahan na bansa ay gaya ng Estados Unidos, Canada, United Kingdon, Netherland, Ireland at iba ay ipinagbabawal ang pagbabayad ng placement fee.

Mayroon na ring bagong application gamit ang Smartphone na kung saan maaaring i-down load ang application in partner with work abroad at dito agad na malalaman kung lehitimo ang isang recruitnment agency.

Sa pamamagitan nito ay maiiwasan na ang mabiktima ng illegal recruitment
Hans Leo Cacdac
POEA Administrator
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga.
Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ust
ream.tv/channel/dziq.vvv.

Read more...