Malinaw at mahaba

Sulat mula kay Ednora, ng Barangay Mercedes, Zamboanga City
Dear Sir Greenfield,
Wala akong boyfriend at malungkot ang buhay ko.  Nagtataka ako kung bakit matagal na ang isang taon na pamamalagi sa akin ng lalaki.  Nawawala sila.  Masakit kung nawawala sila kapag malapit na ang birthday ko.  Hindi naman ako nagpapabili ng mahal na regalo; tunay na pagmamahal ay sapat na.  Bakit kaya ganoon?  Magkaka-boyfriend pa ba ako o tatanda na lang akong miss?
Umaasa,
Ednora ng  Zamboanga City
 Solusyon/Analysis:
 Palmistry:
Ang palad mo ay nagtataglay ng mga guhit ng paglalaro at mapaglarong pag-ibig (Illustration 1-1 arrow 1.).  Ang ibig sabihin nito ay wala talagang mananatili, walang permanente.  May sumisilip na guhit, malinaw naman at mahaba.  Baka ito na ang lalaking hinihintay mo at inaasam-asam.  (arrow 2.).  Kung darating siya, lalo na sa susunod na birthday mo, ay mapapawi na ang lumbay sa puso mo.
Cartomancy:
Two of Hearts, Jack of Clubs at Three of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing isang lalaking kasing edad mo rin ang darating bagama’t maikling panahon ka lang niyang liligawan.  Tulad ng dati mo mga boyfriend, madali ding kayong magkakagustuhan.

Sagot sa sulatni Ednora, ng Barangay Mercedes, Zamboanga City
Problema:
1.     Wala akong boyfriend at malungkot ang buhay ko.  Nagtataka ako kung bakit matagal na ang isang taon na pamamalagi sa akin ng lalaki.  Nawawala sila.  Masakit kung nawawala sila kapag malapit na ang birthday ko.
2. Hindi naman ako nagpapabili ng mahal na regalo.  Tunay na pagmamahal ay sapat na.  Bakit kaya ganoon?  Magkaka-boyfriend pa ba ako o tatanda na lang akong Miss?
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Leo (Illustration 2. ) ang nagsasabing isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Aries ang darating, habang nagbabago na ang panahon.
Numerology:
Ayon sa iyong birth date, isinilang sa petsang 7 ang lalaking magiging boyfriend mo ay nagsasabing mabilis ang magaganap, sa una, sa ikalawa at sa ikatlong pagtatagpo ninyo, made-develop agad ang isang matimyas na pag-iibigan.
Luscher Color Test:
Sa panahong iyon, sa panahong may mabubuo na sa inyong relasyon, ikaw ay nakasuot ng damit na kulaw puti, habang ang lalaking nabanggit ay nakasuot naman ng t-shirt na green, yan ang palatandaang may isang sweet at matimyas na relasyong mamamagitan sa inyong dalawa.
Huling payo at paalala:
Noong mga bata pa tayo, ang akala natin totoo si kupido, pero noong lumaki na tayo, natuklasin ding nating ang kupido palang ito di lang totoo kundi tayo rin. Ngunit sa kaso mo, totoo man mo o hindi si kupido, tiyak ang magaganap ang wish mo – isang lalaking balingkinitan ang pangangatawan, neat magdala ng damit at medyo cute ang dating na nagtataglay ng initial na J.A. ang magiging boyfriend mo upang sa kauna-unahang pagkakataon, sa taon ito, magiging masaya at romantic na ang mahalagang araw.

Read more...