Angelica: Oo, husband material si Lloydie, pero…


Pagkatapos ipagtanggol ang kanyang boyfriend na si John Lloyd Cruz sa isyu ng pagiging lasenggo, inamin ni Angelica Panganiban na “husband material” ang aktor.

Sa interview ng Tapatan ni Tunying noong Huwebes, sinabi ni Angelica na naniniwala siya na magiging mabuting asawa at ama si Lloydie dahil sa nakikita niyang pagmamahal at pag-aalaga nito sa kanyang pamilya.

“Natutuwa ako kung paano niya asikasuhin ‘yung family niya, lalo na ‘yung mommy niya. Ako, naniniwala ko doon, eh, kung paano mo mahalin ‘yung mommy mo…talagang ang taas ng tingin ko sa mga ganoong klaseng lalaki,” anang dalaga.

Mahigit 11 buwan na ang kanilang relasyon, pero wala pa raw talaga silang planong magpakasal, “Kung doon kami papunta, hindi pa siguro siya mangyayari this year or next year.

Marami pa rin siyang gustong ma-achieve sa personal niyang buhay. Ako rin naman, ganoon din ako.” Nauna rito, nilinaw ni Angelica ang mga tsismis sa kanila ni Lloydie tungkol sa pagiging adik sa alak.

Hindi man nagdenay, sinabi ng aktres na hangga’t wala silang ginagawang masama, wala silang dapat ikatakot o ikabahala.

( Photo credit to angelica, john lloyd official fanpage )

Read more...