Angel sa bagong Darna: Grabe! Sobrang daring nito!


Nag-story pitching na si Angel Locsin for “Darna”. Excited na excited ang dalaga na gampanan uli ang role na una niyang ginampanan sa GMA 7.

Bilang paghahanda ay magwo-workout nang husto ang dyowa ni Luis Manzano dahil magiging super sexy yata ang kanyang Darna costume.

Ang “Darna” movie pa lang ang gagawin ni Angel, hindi siya sigurado kung siya rin ang gaganap na Darna sa teleserye.
Pero kung ibibigay sa ibang Kapamilya star ang Darna role for TV ay okay lang kay Angel.

Nagawa na nga naman niya iyon. Hindi naman siya maramot at walang kaso sa kanya kung ibang Kapamilya star ang magbida sa primetime version nito.

Promise ni Angel, mas daring at sobrang laki ng movie na ito. She said in an interview, “Naku, you have no idea kung gaano kalaki! Kasi kahit ako, nagulat, eh. Hindi niyo (Star Cinema) ‘yan sa akin sinasabi. Sabi ko, ‘Sandali lang, ha.

Ganito pala kalaki ito?’ As in, never ako naka-experience ng ganito kalaking project. First time ito sa buong history ng Pilipinas.”
“Ang tapang ng Star Cinema para gawin ‘to.

And ako, bilang napiling artista, hanggang ngayon, speechless talaga ako!” she adds.

( Photo credit to angel locsin official fanpage )

Read more...