AT 17, tiyak naming sandamakmak na ang male stars na gustong maka-date ang napakagandang si Julia Barretto. No wonder ang leading men niya sa Mirabella na sina Enrique Gil at Sam Concepcion can’t help falling in love with her.
Pero mabuti na lang at kinimkim muna nila ang damdamin for Julia and decided to be friends na lang muna sa anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padillla.
Pasok naman si Enrique ayon kay Julia kung ang male star ang maging first “legal” boyfriend niya. Hindi naman mahigpit ang parents niya pagdating sa lovelife niya.
“E, kasi naman, alam ko na rin naman kung ano ‘yung tama. Siyempre 17 na ako, alam ko na ‘yung mga dapat, mga timing-timing, ganoon. I just have the guidance, they have my back,” saad ni Julia sa presscon ng Mirabella para sa nalalapit na pagtatapos nito na pinamagatang “The Beautiful Ending” na mapapanood na sa July 4 bago mag-TV Patrol.
Wala naman daw problema if ever na magka-boyfriend siya, “Hindi naman siguro pero it’s not, ah, paano ba? Alam mo, you’ll never know talaga kaya mahirap sagutin ang questions na ganyan.
But they’re not strict about it,” sabi pa ni Julia. Pagkatapos ng Mirabella magkasama pa rin sila ni Enrique papuntang London. Two weeks ang show nila doon pero magpapa-extend pa raw si Julia ng ilang linggo for vacation.
Kasama niya sa London ang mommy niyang si Marjorie. Speaking of her mom, kinumusta namin kay Julia ang daddy niya na si Dennis Padilla. Hindi nakalimutan ni Julia na batiin ang kanyang daddy noong Father’s Day.
Pero inamin niya na wala siyang nabigay na regalo rito. “Hindi ko kasi alam kung ano ang gusto na niya ngayon. He’s like 53. Ano bang gusto ng 53 years old? Ha-hahaha! Joke.”
Kahit si Dennis naman sinasabi niya sa interview na hindi siya nanghihingi ng anuman kay Julia kahit afford na ng anak niya to buy him gifts, “Hindi talaga,” sabi pa ni Julia. “Gusto lang niya mga hug, ganyan.”
Pero may nasulat naman na lumang-luma na raw ang cellphone ni Dennis, “Huh? Luma na cellphone niya? O, sige bigyan natin siya ng cellphone!” agad-agad na sinabi ni Julia.
Seryosong biro naman ang sinagot niya sa amin kung true ba na nagpalit na siya ng surname, “Magpapalit na po ako ng outfit,” ngiting sabi ni Julia.
In fairness, mahusay umiwas si Julia sa pagsagot na hindi siya nakaka-offend ng reporters, “Ano, uh, what do you call it? I hope you guys understand if ano, I don’t want speak of my father.
Para ‘yun na lang ‘yung privacy ko na natitira. ‘Yun na lang,” lahad ni Julia. Anyway, ang Mirabella raw ang pinakamalaki at pinakamagandang blessing na natanggap ni Julia for this year.
Sa huling dalawang linggo nito, tutukan ang mga mas umiinit na tagpo ngayong hindi na papipigil si Mira sa kanyang paghihiganti.
Bukod kina Julia at Enrique, bahagi rin ng powerhouse cast ng Mirabella sina Pokwang, John Lapus, Mylene Dizon, James Blanco, Liza Dino, DJ Durano, Mika dela Cruz, at Gloria Diaz sa direksyon nina Erick Salud, Jojo Saguin at Jerome Pobocan sa produksyon pa rin ng Dreamscape Entertainment.
( Photo credit to EAS )