Bong nagpakamatay raw sa kulungan


THEY did it to Marian Rivera, then to Freddie Aguilar. And now, to Sen. Bong Revilla. Kumalat sa social media ang “RIP Sen. Bong Revilla”. Nagpakamatay raw ito sa kanyang selda sa Camp Crame.

Katulad na katulad ito ng kumalat na chismis na patay na sina Marian at Ka Freddie. Ang nakakaloka, ginamit pa ng nagpakalat ng maling balita ang ABS-CBN at Rappler logo. Ganoon kawalanghiya ang nagpalabas ng chismis about Bong.

The who kaya ang gumawa nito at parang malaking obsession niya ang “patayin” sa social media ang mga kilalang celebrities.
Naku, kung sino ka man, mag-isip-isip ka na! Baka sa susunod  ay ikaw na ang mategi!

And instead na may makiramay sa iyo, magpiyesta pa ang mga tao dahil sa pagkamatay mo!

( Photo credit to inquirer news service )

Read more...