Yam Concepcion bigla na lang hiniwalayan ni Ejay


Nagulat kami sa kuwentong itinago ni Ejay Falcon ang relasyon niya kay Yam Concepcion kaya iisa ang tanong ng mga katoto – “Hindi pa worth it si Yam, as if naman napakaguwapo ni Ejay? Pasalamat nga siya pinatulan siya.”

Panahon ito ng seryeng Dugong Buhay na launching project ng aktor kasama si Arjo Atayde. Bagama’t inamin na rin daw ni Ejay ito sa Kris TV pero matagal na silang hiwalay ni Yam.

Sa launching ng Pure Love, ang Pinoy adaptation ng Koreanovelang 49 Days starring Alex Gonzaga, Arjo Atayde at Joseph Marco, ay nakuwento sa amin ni Yam na umabot sa limang buwan ang relasyon nila ni Ejay.

“Actually, Ejay and I dated for only five months and I don’t consider it as a boyfriend/girlfriend thing kasi sandali lang, pero inamin niya sa Kris TV, e, hindi ko naman ide-deny na na-develop ako sa kanya.

“Tanda mo, Ms. Reggee dati na sabi niya, ‘O, ‘wag mo sasabihin na tayo!’ Kaya ko rin dinenay, di ba tinanong n’yo ako? Kaya baka isipin n’yo sinungaling ako, e, kasi sabi niya  ‘wag ko sabihin,” paliwanag ng dalaga.

Hindi ba siya na-offend sa ginawa ni Ejay? “Siguro kasi nagsisimula palang kami (sa Dugong Buhay), at saka default dapat na kapag artista ka, wala kang boyfriend o girlfriend hindi naman dapat ipagkait ‘yan, that’s the truth, right? You’re more exciting when you’re single,” paliwanag ng dalaga.

Walang closure ang relasyon nila? “Yeah, iniwan niya ako sa ere, bigla na lang kasi siyang nawala, hindi na nagpakita (o nag-text) at hindi ko alam kung bakit, dapat siya ang tanungin n’yo,” sabi ng dalaga.

Samantala, kontrabida ni Alex ang role ni Yam sa seryeng Pure Love sa direksyon nina Veronica Velasco at Mikey del Rosario mula sa Star TV na mapapanood na simula sa Hulyo 7.

“First time kong magiging kontrabida. I wanna try something new, mas challenging. I’m very uncanny, very mysterious, you don’t know what I’m capable of doing, you will see a lot about the character,” kuwento pa nin  Yam sa kanyang role sa Pure Love.

( Photo credit to ejay falcon official fanpage )

Read more...