Iwa Moto ‘YAYA’ ng anak ni Jodi


Konting panahon na lang ang ipaghihintay ni Iwa Moto at mapapawalang bisa na ang kasal niya sa dating asawang si Mickey Ablan na karelasyon ngayon ni Jana Dominguez.

Si Iwa ang GF  ngayon ng ex-husband ni Jodi Sta. Maria na si Pampi Lacson at may isa silang anak na babae, si Mimi. Sa tanong namin kung magpapakasal agad sila ni Pampi kapag nakuha na niya ang annulment papers, “Puwedeng enjoyin ko muna pagiging single ko bago ko isipin ang pagpapakasal, pero hopefully di ba, siyempre we have a kid,” ang sabi ni Iwa nang makatsikahan namin sa presscon ng Celebrity Dance Grand Battle ng TV5 kung saan isa siya sa magiging finalist na mapapanood ngayong gabi.

Samantala, tinanong si Iwa sa isyung naghiwalay na sila ni Pampi, “Naku, hindi na bago, may times na nagkakatampuhan, pero hindi naman naghihiwalay.

“Umabot na sa isang buwan dati, pero hindi kami naghiwalay, ano kasi, kapag nasa kanya si Thirdy (anak ni Pampi kay Jodi), kailangan kong umuwi sa kanila (bahay ng mga Lacson) kasi walang mag-aasikaso sa kanya, kawawa ‘yung bata, ako ‘yung naghahatid-sundo sa school.

“Wala kasing time si Pampi minsan, gabi na umuuwi kasi nagbo-boom ‘yung business nila ngayon kaya kailangang hands on siya. E, hayun, makikita naman niya ako ro’n, at okay naman kami, nagso-sorry siya,” kuwento ni Iwa.

Napakababaw ng dahilan kung bakit nagkakatampuhan sina Iwa at Pampi, “Oras, kasi nga parating wala, e, siyempre minsan, gusto kong lumabas, gusto kong kumain sa labas, hindi siya puwede kasi may meeting, hayun, topak na ako.

Ngayon dine-date na niya ako,” pambubuking ni Iwa. Sobrang blessed at nagpapasalamat daw si Iwa kay Pampi dahil perfect dad daw ito para sa kanya, “Kasi he’s a good example of a good dad, talagang nagta-trabaho siya for his kids, he’s the best dad for Mimi (anak nila), maski gabi na umuuwi, he finds time (sa mga anak).

I hope papunta na rin ito sa kasalan, pero hindi namin pinag-uusapan pa kasi nga may problema pa  (kasal),” say ni Iwa.
Samantala, umabot sa 188 lbs. si Iwa at dahil sa kaka-rehearse ng sasayawin sa finals ng Celebrity Dance Grand Battle ay talagang pumayat siya nang husto.

Rumba ang sasayawin ni Iwa at malalaman ngayong gabi, 9 p.m. kung sino ang magwawagi sa kanila nina Gary David, Priscilla Meirelles, Ciara Sotto at Rafa Siguion-Reyna at mag-uuwi ng P1 million grand prize at ng karangalan na maging kauna-unahang Celebrity Dance Battle Champion na gaganapin sa Resorts World Newport Performing Arts Theater, to be hosted by pa rin by Lucy Torres-Gomez.

( Photo credit to iwa moto official fanpage )

Read more...